Chapter 29

285 16 1
                                    


Sabay sabay kaming napatingin sa gate ng Academy nang unti unti 'yon bumukas.

"Karl..."

Napaawang ang labi ko nang makita si Camilah, she gasp when she saw me. Dahan dahan siyang lumapit papunta sa akin.

Nakita kong may namumuong luha sa kaniyang mata nang tumigil siya sa harapan ko.

"This is not you," She whispered.

Hindi ako nagsalita at nakatitig lang sa kaniya, huminga siya nang malalim at tinignan ako ng deretso sa mata.

"Pwede ka pang umatras-"

I laughed. "Umatras? Kilala mo naman na ako, Camilah. Pinaninindigan ko ang mga lumalabas sa bibig ko."

Napailing siya. "But you did a dangerous thing! That is not the solution, Karl. Look..." lumapit siya sa akin lalo. "Hindi mo gugustuhing kalabanin sila, trust me Karl!" bulong niya.

"Gugustuhin ko, Camilah. Dito masusukat kung gaano ako kalakas."

"How about your Mom?"

Doon ako natigilan at sumeryoso ang muka.

"Alam mong hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo! Hindi 'yan ang solusyon! Matutulungan ka nila.. at ako! I promise! Lilipat na ako sa section niyo para masamahan ka," nanginginig siyang ngumiti.

Saglit akong napatitig sa kaniya at napalunok, mariin akon pumikit at tumago.

"Tama ka," nagmulat ako ng tingin at dumiretso sa kaniyang mga mata.

Nabuhayan siya sa sinabi ko at ngumiti, hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"I know you will choose the right thing, Karl."

I slowly smiled. "Yes, and this is the right thing to do."

Mabilis kong sinaksak sa kaniya ang dagger na nakatago sa bulsa ko, napaawang ang labi niya at nanlaki ang mata habang nakatingin sa akin.

Mas lalo kong binaon sa kaniya ang dagger kaya lumabas ang dugo mula sa bibig niya, malakas kong hinugot sa kaniya ang dagger kaya unti unti siyang napaatras at napahawak sa dibdib niya.

Pinanood ko siyang matumba, nakatingin pa rin sa akin habang lumuluha na.

Napangisi ako at tinignan sina Serenity na nagulat sa ginawa ko, inangat ko ang dagger at nakita ang dugo na kumapit doon.

"You really bring my bestfriend, huh?" I looked at them.

Parang hindi pa rin sila nakaka recover dahil nakatingin pa rin sila kay Camilah na ngayon ay wala ng buhay, natawa ako at napailing.

Lumapit ako sa kanila kaya nag angat sila ng tingin sa akin, tumigil ako nang humakbang papalapit si Serenity.

"You want more? Sure," ngumisi ako.

I feel my eyes became blue while looking at them, naramdaman ko agad ang lakas na matagal nang gustong lumabas sa katawan ko.

Nakita kong lumitaw ang totoong kulay ng mga mata nila.

Serenity smirked and her eyes became red.

Damon nooded and his eyes became electrically blue eyes.

Justin with his green eyes and smirked.

Veronica's eyes became gray and smiled.

Elaine's eyes appear as an ocean blue color.

Kailey crossed her arms when her eyes became silver.

Daniel's eyes became blue while he's looking seriously at me.

Carlo smirked when his eyes became brown hazel eyes.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon