"That was embarrassing." I whispered.Naka bihis na ngayon si Alexandra at Damon, hindi makatingin sa amin si Damon habang si Alexadra ay todo explain.
"I'm so sorry for that. Natapunan lang kasi ako ng ice cream kanina at itong condo niya ang pinaka malapit, kaya naisipan niyang paheramin ako ng damit." She smiled.
"That's.. good, Damon," natatawa kong sambit.
Napatingin naman sa akin si Alexandra at nanlaki ang mata.
"Nasaan ka pala kanina? We waited for you but-"
"I need to do something urgent that's why I don't have time to inform Damon."
Dahan dahan naman siyang tumango at tinignan ang iba naming kasama. Nagpakilala siya sa isa't isa.
Mabuti nalang at magaling silang magpanggap, except kay Serenity na nakakrus ang braso habang nakatingin sa kaniya.
"H-hi?" Alexandra said awkwardly.
Serenity smirked. "I don't do shake hands."
Dahan dahan namang binaba ni Alexandra ang kamay, nahihiya. Umubo naman si Damon at hinawakan siya sa balikat.
Napairap si Serenity nang makita 'yon, kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinapat 'yon sa kaniyang tenga.
"Hello? Yes tita.. he's here. Oh, right now? Sure, i'll inform him," binaba niya ang cellphone at walang ganang tumingin kay Damon.
"Your Mom will be here."
Napapikit ako ng mariin at napakagat ng labi, nagmulat ako at tinignan ang reaction ni Damon na nagulat din sa sinabi ni Serenity.
Nag angat ng tingin sa kaniya si Alexandra at tumayo.
"Can i meet-"
"You don't want to meet her." Serenity smiled sweetly.
Napaawang ang labi ni Alexandra at dahan dahan ding tumango. Nagpaalam na siya sa amin, sinabi naman ni Damon na ihahatid niya lang ito sa ibaba.
Nang makalabas na sila ay nilabas na nila ang tawa na kanina pa nila pinipigilan, pumalakpak sila habang naka harap kay Serenity.
"Mom?" tumawa nang malakas si Carlo at umiling.
Bored niya lang kaming pinapanood na tumawa, tumigil lang kami nang makarating na si Damon at ni lock ang pintuan.
Tumigil siya sa harapan ni Serenity at huminga ng malalim.
"I'm-"
"What did you get?" Serenity cut him off.
Napakurap si Damon at umubo. "She doesn't have a family. They're gone when she started modeling, and she learned how to take care of herself and earn money."
"Is this her ID?"
Sabay sabay kaming napatingin kay Elaine, hawak niya ang kulay blue na lace at nilapag 'yon sa lamesa.
Kunot noo kong hinawakan 'yon at tinignan ang ID niya. Hinimas ko ang hawak ko at mas lalong nagtaka.
"This is not just an ID," inangat ko sa kanila 'yon.
Hinawakan muli ni Elaine ang ID at inamoy, sumeryoso ang muka niya nang may napagtanto. Hinagis niya 'yon sa lamesa at pinag krus ang braso.
"It has a spell. It's for the humans to avoid.. compulsion."
Saglit kaming natahimik at nagulat. Ako naman ay biglang may naalala kaya nanlaki ang mata ko.
"That's a Larkspur flowers!"

BINABASA MO ANG
Son of Heracles
FantasyBook 2 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #2) --- He thought he is just an ordinary person. Until he met his real father, There's so many question inside his head, and he need an answer. And he knows who can answer that questions in his head. And now...