Chapter 24

285 14 0
                                        


Tahimik kaming kumakain ngayon lahat, pasimple akong tumitingin sa kanila isa isa. Ang mga babae ay pinagmamasdan si Michelle, tumataas pa ang kilay ni Veronica na parang hinuhusgahan na sa isip niya.

Napaayos sila ng upo nang mag angat ng tingin si Michelle, agad na dumiretso ang mata niya kay Serenity na busy kumakain.

"Uhm.. Serenity?"

Natigilan si Serenity at tumingin sa kaniya, at dahil katabi ko siya ay nakita kong tumaas ang kilay niya pero binaba niya ren 'yon pagka angat ng tingin.

"I actually made a dagger wooden weapon, nakuha ko 'yung idea na 'yon sayo. Can you check if.. tama 'yung pagkakagawa ko?" Michelle smile.

Napatitig si Serenity sa kaniya at sumandal sa upuan.

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?"

Natigilan si Michelle. "M-meron kang dagger na naka display sa hallway.. hindi ba?"

Dahan dahang tumango si Serenity, nagulat kami ng ngumiti ito sa kaniya.

"Sure, give me that later."

Natutuwang tumango si Michelle at bumalik sa kaniyang pagkain, napawi ang ngiti ni Serenity nang makitang hindi na ito nakatingin sa kaniya.

Natawa ako at napailing, lumapit sa kaniya.

"Alam mo ang plastik mo talaga," bulong ko sa kaniya.

Napairap siya at tumingin sa akin. "Alam mo ang epal mo talaga."

Tumawa ako kaya napatingin sila sa akin, tinikom ko agad ang bibig ko at pinagpatuloy ang pag kain.

Nakita ko agad ang matalim na tingin ni Damon, kaya binelatan ko siya para mas lalong mainis.

Sa mga sumunod na araw ay pakiramdam ko lumakas ako lalo, hindi ko rin ma explain kung bakit pero may energy ako araw araw.

Isang bitaw ko lang sa arrow ay agad 'yon tumama sa target, napatango tango naman si Kailey habang pinapanood ako.

Sunod niyang pinagawa ay dapat na tumakbo ako habang pumapana, ito na ata ang pinakamahirap na pinagawa niya.

Gusto niya pang gawin ko 'yon habang tumatalon sa bawat puno, huminga muna ako ng malalim bago i pwesto ang kamay sa hawak na arrow at bow.

Nang pumito si Kailey ay agad akong tumalon sa sumunod na puno, binitawan ko ang arrow at nang tumama 'yon ay kinuha ko sa likod ko ang panibagong arrow.

Sobra akong kinakabhan dahil hindi ko nakikita masyado ang inaapakan ko, isang mali ko lang ay mahuhulog na ako.

Nang makita ang natitirang target ay mataas akong tumalon at binitawan ang arrow, nang bumagsak ako ay agad akong kumapit sa sanga habang nakatingin pa rin sa target.

Napahiyaw ako nang makitang tumama 'yon, pumalakpak naman si Kailey habang naka angat ng tingin sa akin.

She smirked. "Ready for the next round."

"What-"

Bago pa ako matapos ay may naramdaman ka agad akong papalipad na dagger sa akin, agad akong tumalon pababa.

Nag angat ako ng tingin sa kinatatayuan ko kanina a hindi nga ako nagkakamali, nakadikit an dagger sa trunk.

Agad kong tinapon sa gilid and bow at arrow at hinanda ang mga knives, pinaikot ikot ko 'yon sa kamay at nagtago sa malaking kahoy.

Wala na si Kailey dito at paniguradong si Daniel at Carlo ang kasama ko rito.

Gumulong ka agad ako nang sunod sunod na fireballs ang lumipad sa akin, binato ko ang isa kong kutsilyo at may narinig na dumaing.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon