Chapter 12

258 15 1
                                    


"Karl, hindi gumagaling ang sugat mo."

Nawala ang liwanag sa kamay ni Kristine at nag aalalang tumingin sa akin, hindi ako sumagot at kinapa ang sugat sa leeg.

"Just put a bandage, pagkatapos ay magpapatuloy na tayo," Sagot ni Serenity at nilapitan si Daniel.

Sinundan ko siya ng tingin, abala sila sa laptop na hawak ni Daniel. Tinatrack ang kaninang bampira na umatake sa akin.

Nang matapos si Kristine ay tumayo na ako, hindi naman na ganoon kasakit ang sugat kaya nakakagalaw na ako nang maayos.

"Malapit nalang pala tayo, tara na," Daniel said.

Kukunin ko na sana ang backpack ko nang unahan ako ni Alexis.

"Ako na bro, kawawa ka naman eh," Umiling siya at binuhat 'yon.

Ngumiti nalang ako at tinawanan siya. Tahimik kaming naglalakad sa madilim na gubat, napatingala pa ako at tinignan ang buwan.

Kumunot ang noo ko nang unti unti 'yon matakpan ng isang malaking bagay. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto at tumigil.

Pare parehas kaming nagulat nang makita ang malaking castle, the massive oak door is so big. Lumapit si Serenity doon at kumatok sa gilid ng pintuan, maya maya ay lumabas ang susi doon.

Pinanood lang namin siyang buksan ang malaking pinto, nang mabuksan 'yon ay bumungad sa amin ang sobrang lawak na lugar.

Nakanganga pa rin ata ako hanggang sa makapasok kami. Sobrang laki! Nakapalibot ang malaking school dito na gawa sa ancient wood. It has a five big door. The big tree is on the middle of this school, damuhan ang inaapakan namin kaya sumipa sipa ako.

"This is big compare to our school," Kailey whispered.

Sabay sabay kaming napatingin sa gilid nang marinig ang hiyawan, doon lang din ang nakabukas na ilaw.

Nagkatinginan kami at tumango, napag desisyunan na puntahan 'yon.

Napasinghap kami nang makita ang loob nito, it's a Medieval Arena! What the hell, nilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga estudyanteng nakaupo sa itaas.

"So who's next?"

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki, may hawak siyang mic habang tinitignan ang lahat ng nandito. His eyes are light blue, lips were pale and thin, sakto lang ang pangangatawan.

Natahimik ang lahat nang magsalita siya, mukang natatakot sa kaniyang presensya.

"Sino ang sunod kong papatayin?"

Napatingin ako kay Serenity nang bumungisngis, hinagis niya ang bag kay Carlo na nasalo rin ka agad.

Walang nakapansin sa amin dahil lahat sila ay tutok sa harapan. Tinignan ko ang paligid, lahat sila ay nag iiwas ng tingin.

Nagtataka pa ako nang hati hati sila sa tatlong grupo.

"Hmm? Witches?" He faced the right direction.

Napasinghap ako nang ma realize kung bakit sila hati hati.

"Or maybe warewolves?" Ngisi niya.

Tumingin siya sa kanan at natawa nang magsi iwas sila ng tingin.

"How about some vampires?" He whispered.

Humarap siya sa direksyon namin, napatingin ang lahat nang maglakad papunta sa harapan si Serenity.

Natigilan ang lalaki nang makita siya, nilagay ni Serenity ang kaniyang kamay sa likuran at nakatingin sa lalaki.

"Then try me," Ngisi niya.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon