Chapter 3

418 19 3
                                    


So her name is Elaine.

Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya, nandito kami ngayon sa cafeteria habang ang mga kasama niya ay hindi ko makita.

Hindi ko rin mahanap sina Brian, panigurado ay ginagawan na nila ng paraan kung paano sila kausapin.

"So..."

Nagulat ako nang magsalita siya, ngumiti siya sa akin at binaba ang baso.

"You are the owner of this school.." nilibot niya ang paningin at nagbalik din sa akin. "So tell me.. who is your parents?"

Hindi ko alam pero bigla akong kinabhan, ngumiti muna ako at uminom ng tubig.

Nanlaki ang mata ko nang automatic na bumaba ang kamay ko pagtapos uminom at tumingin sa mga mata niya.

"I am the son of Hercules and my mother is a mortal," mabilis na pagbanggit ko.

Natigilan ako nang ngumisi siya at sumandal habang nakatingin pa rin sa akin.

Doon ko lang napagtanto ang ginawa niya, agad akong tumingin sa baso at nakita ko ang konting kulay asul na nakahalo sa tubig.

"P-paano mo ginawa 'yon?" nauutal kong tanong.

She chuckled. "Hi, I'm the daughter of Aphrodite."

Parang nanigas ako sa kinauupuan ko at nanlaki ang mata.

Doon ko lang napansin, kaya pala agad akong namangha sa kagandahang meron siya. Ngumiti siya sa akin, at mas lalo akong naniwala na anak siya ni Aphrodite.

Magsasalita pa sana ako nang dumating na sina Brian.

"Wala pre.. nagalit 'yung kaibigan nila-" napatingin ka agad si Brian kay Elaine. "Uy hi!"

Kita ko agad ang mangha sa muka nina Jaylord nang makita si Elaine, pinagmasdan ko naman siya.

Mabilis niyang makuha ang attention ng mga tao...

"Hi, I'm Elaine," pagpapakilala niya.

Mabilis na lumipas ang oras at nag uwian na, tulala akong naglakad papuntang parking lot.

Bigla akong natakot, hindi ko kilala ang mga 'yon pero kailangan kong mapalapit sa kanila para makakuha ng impormasyon.

Kaya pinapunta ni Dionysus ang mga anak ng olympians dito ay para makilala ko agad sila at makita kung ano ang ginagawa nila kapag nasa mundo ng mga tao.

Mission, isang mission ang kailangan nilang gawin.

Aware akong may mga eskwelahang may tinatago na dumi, at ang mission nila ay ilabas ang baho ng mga 'yon.

Kung tutuusin, sobrang cool pakinggan.

Pero buhay mo pa rin ang naka salalay. May mga nagkakalat na supernaturals dito sa buong mundo.

Nabuksan ko na ang pinto ng kotse nang may sumipa bigla roon kaya naglikha ito ng ingay, gulat akong napatingin sa gilid.

Sumeryoso ang muka ko nang makita si Elaine.

Ngumiti siya sa akin at sumandal sa kotse.

"Alam kong may iba kang intensyon sa amin, at alam kong isa ka sa dahilan kung bakit kami nandito."

Napalunok ako at deretsong tumingin sa kaniya. "Malinis ang intensyon ko, gusto ko lang malaman ang tungkol-"

"Sa Ama mo?"

Hindi ako sumagot at nanlaki ang mata.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin at pinagkrus ang kaniyang braso.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon