Chapter 11

326 12 2
                                        


"Your brother needs your help."

Kakagising ko palang at kakababa nang madatnan ko sila kasama si Chloe, napangisi naman si Serenity at sumandal sa pader.

"You two are still talking, huh?"

Namula bigla si Chloe at napatingin sa kaniyang kapatid na matalim na ang tingin sa kaniya.

"What?! I didn't say anything when i found out you still love-"

Tinakpan ni Damon ang kaniyang bibig at napatingin sa lahat, nagtama ang tingin namin at inirapan ako.

Binelatan ko siya at tumabi kay Carlo na nagkakape, napangiti ako nang abutan ako ni Daniel ng tasa.

Kumunot ang noo ko nang makitang walang laman 'yon.

"Tangina, anong gagawin ko rito?" Inis kong tanong.

"Anong akala mo pinagtimpla kita? Gago, balik mo na 'yan sa lababo. Kakatapos ko lang magkape."

Gusto kong ihagis sa kaniya ang tasa pero ngumiti nalang ako ng pilit, di bale makakabawi rin ako sa ungas na 'to.

Napatingin ako kay Elaine nang kalibitin niya ako at may hawak na isang tasa.

"Nako! Pag joke time 'yan-"

Napasigaw ako nang ilapit niya sa braso ko ang tasa, naramdaman ko agad ang init non kaya agad akong lumayo.

"You still think i'm joking?" She asked while laughing.

Kunot noo kong kinuha 'yon at hinimas ang brasong napaso. Napansin kong nakatingin na sa amin ang lahat kaya ngumiti ako at binati sila.

"Magandang umaga sa inyo, ano nga ulit ang sinasabi mo Chloe?"

Kinuha ni Elaine ang basong inabot sa akin ni Daniel at nilapag 'yon sa lamesa.

"Sebastian is having a complicated situation there, hindi niya makuha ang isang weapon na makakapatay sa mga bampira."

"Bakit obligasyon niya 'yon? He's not a vampire," Serenity rolled her eyes.

Chloe sighed. "But your father started that, he build a weapon that can kill those powerful vampires."

"Wait, I suddenly remember Empusa. Where is she?" Veronica asked.

Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi siya pamilyar.

"Empusa is a vampire, siya ang naging mission namin bago ka namin makilala," Elaine whispered.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya.

"Vampire exist.. here?" Napaawang ang labi ko.

Hindi niya na ako nasagot dahil parehas ulit kaming napatingin kay Chloe.

"She's still in the underworld, facing her punishment."

"So Empusa made that vampires?" Kristine asked.

"No, witches made the vampires."

Nanlaki ang mga mata namin, halos mabitawan ko na ang tasa dahil sa gulat.

"That's why when Sebastian found out that supernaturals exist, he build a school for them. Kaya obligasyon niyang hanapin ang weapon na 'yon."

"Bakit hindi niya kaya? He can compell those people or just kill them," Damon suggest.

"No, he can do that without killing. But the thing is, they can't compell."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"At ayan din ang aalamin niyo, now pack your things because your car is ready."

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon