Chapter 10

283 12 4
                                    


"This is not real, right?"

Nanginginig ang paa ko nang makalapit kay Mom, nagulat ako ng hindi ko siya mahawakan. Para lang siyang anino, naluluha ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin.

"Karl, you need to fight... My time is already end-"

Nanlaki ang mata ko at tumingin kay Kailey, walang emosyon ang kaniyang muka habang pinapanood kami. Nagbalik ang tingin ko sa aking nanay, gusto ko siyang hawakan ngunit hindi ko magawa.

Hindi ko marinig ang sinasabi niya, tinitignan ko lang siya at hindi alam ang gagawin.

Unti unting humangin ng malakas, tumingin sa paligid si Mom at ngumiti ng malungkot.

"Walang mangyayari kung magiging mahina ka palagi, Anak.."

Huminga ako ng malalim, pumikit ng mariin at umaasang illusion lang lahat ng ito.

"That's real, hon."

Napamulat ako nang magsalita si Kailey, nasa likuran ko siya at nakalapit ang bibig sa aking tenga.

"You can see your parents in human world, you think about your Mom that's why she appeared. And what a shocking situation," She laughed. "You witnessed how she died."

Pakiramdam ko ay tatangayin kami sa sobrang lakas ng hangin, nakita ko ang mga puno at ang mga dahong nagsisiliparan.

Hindi ko na makita ang nanay ko kaya nilibot ko ang paningin, malakas pa rin ang hangin. Umikot na ako ngunit hindi ko pa rin siya makita.

"Breathe, Karl."

Natigilan muli ako nang marinig ang boses ni Kailey, dahan dahan akong tumango at sinunod siya.

"Then, think about what can make you relax.."

I suddenly saw my Mom, laughing while we are eating together. I saw Camilah, who's watching far away and saying i can do this. And lastly, Serenity. She is looking at me with her serious face, holding her knife. She nooded at me and smiled a little.

Nang maramdamang nawala ang malakas na hangin ay nagmulat ako, agad kong nakita si Kailey na inaayos ang nagulong buhok. Inirapan niya ako nang magtama ang tingin namin.

"Ngayon, alam mo na?"

Hindi ako nagsalita at huminga ulit. Dahan dahan akong napaupo sa damuhan at tulala pa rin.

What if that's true? If you ask me what's my biggest fear, probably seeing my Mom dying. I am willing to give my life if mangyayari 'yon.

Kailey sat beside my and sighed heavily, limang minuto na ata ang nakalipas bago ko mapag desisyunan na magsalita.

"Yun ba ang ginagawa mo?"

Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. "Ang alin?"

"Thinking about your Mom.. kapag nawawalan ka ng control?"

Napatitig siya nang matagal sa akin at natawa, umiling pa siya at ngumisi.

"I am not that weak, okay? I'm just thinking about some people who will suffer if i lose control. Ayoko nang madagdagan pa ang iniisip ko."

Napaubo ako at natawa. "Seryoso? May pake ka pala sa paligid mo."

Napairap siya. "Pero minsan, wala naman. I just know that I'm strong independent person, I don't let people help me. I do it on my own, i deal with it."

She's really the daughter of Artemis. I'm amazed, she's kinda like Serenity but in some ways. Sa pagkakaalam ko, Artemis is the only Goddesses who doesn't have husband. Unlike the Olympian Gods, she can live without being love.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon