Chapter 25

262 17 1
                                        


Papunta ako ngayon sa library nang makita ko si Serenity sa hallway, she is looking at the display of their weapons.

Nang maramdaman ang presensya ko ay napatingin siya sa akin, agad niyang inalis ang tingin sa akin at bumalik sa kaniyang weapon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Hindi na namin pinag usapan ang nangyari noong training, pakiramdam ko ay iniiwasan niya rin 'yon kaya tahimik lang siya.

"I made this when i was 8, i already have a fantasy in my mind before that i will make a real dagger.."

Tinignan ko ang weapon na 'yon na gawa sa kahoy, nakita ko na nakalagay ang kaniyang pangalan sa ibaba.

I looked all the display and all of the Superior have a weapon here, even the first batch. Nakita ko ang pangalan ni Sebastian at Chloe, at ang ibang hindi pamilyar sa akin.

Napako ang tingin ko sa isang maliit na thunderbolt na gawa rin sa kahoy, hindi ko maiwasang matawa dahil ang cute tignan.

Pininturahan pa ito na kulay grey, napawi ang tawa ko nang makita ang pangalan ni Damon.

"Damon made that when he was 10 years old, he told me that day.. that one day, he will get his own weapon from his father. And he made a promise that he will be the strongest among us," napailing siya. "Hanggang ngayon, walang paramdam si Zeus sa kaniya."

Napatingin ako kay Serenity na nakatingin na rin sa weapon na gawa ni Damon, naka tadhana na sila na maging ganito kalakas.

"Lahat nang nandito, ginawa namin noong bata kami. Look around." She pointed all the display.

Nilibot ko ang paningin ko sa hallway, lahat ng 'yon ay nakalagay sa frameless glass display case. Isang hilera sila dito sa hallway, hahawakan ko sana 'yon nang lumitaw ang kulay pulang laser.

"Wala ka bang naaalala.. na may ginawa kang kahit ano noong bata ka o binigay ng Ama mo?"

Napatingin ako kay Serenity nang tanungin niya ako, saglit akong napatitig sa kaniya at unti unti ring umiling.

Sa pagkakatanda ko ay wala naman, wala siyang ginawa kundi panoorin lang ako.

Bigla kong naalala si Sebastian, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung inutos ng Ama ko na kalimutan ang dapat kong kalimutan."

They have powers to do compulsion, kaya deretso akong napatingin kay Serenity.

"Paano ko maibabalik ang mga ala-ala ko? I think Sebastian compell me.."

Napataas ang kilay ni Serenity at sumandal. "Edi dapat ay naalala mo na lahat, this Academy have a barrier or a shield.. kasama na roon na babalik ang mga ala ala mo once you enter in this school."

Kumunot ang noo ko. "P-pero.. wala namang-"

"Ibig sabihin hindi ka niya cinompell."

Sumeryoso ang muka ko at nag iwas ng tingin.
Bakit may mga naalala ako na hindi ko maalala na nangyari?

"Karl, remember that we are not a Demigod. May mga bagay na.. nangyayari sainyo na never namang nangyayari sa amin."

Pumunta ako sa 2nd floor ng library at sa pinaka dulo nito ay alam kong masasagot na ang mga tanong ko, wala akong nakikitang estudyante rito. Ang alam ko kasi ay hindi rin talaga pinupuntahan ang parte na 'to.

Nang makita ang letter 'D' ay agad kong hinanap ang nakasulat na tungkol sa mga demigod, sinabi na sa akin ni Veronica na dito ko raw mahahanap 'yon.

Tumigil ang kamay ko sa pulang libro, walang nakasulat dito basta pulang papel lang ang naka cover sa kaniya.

Tumingin muna ako sa paligid bago umupo sa lapag at binuklat ang libro, nakita ko agad ang table of contents. Nakita ko ang salitang 'compulsion' kaya agad kong pinuntahan ang page na 'yon.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon