Agad kong kinuha ang kaldero para takpan ang sarili nang batuhin ako ni Damon ng kutsilyo.
"Nagluluto 'yung tao oh!" sigaw ko.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang na nagbabato, hindi ko alam na ganito kadami ang dala nilang armas!
Maya maya rin ay tumigil siya kaya dahan dahan kong binaba ang kaldero, bored siyang nakatingin sa akin habang pinapaikot ang tinidor sa kaniyang kamay.
"Serenity didn't teach you how to move faster?"
Bago pa ako makapag salita ay may nagbato na naman ng knife, mabuti nalang at sinalo 'yon ni Damon gamit ang isang kamay pero nakatingin pa rin sa akin.
"Carlo will do that." Serenity answered.
Napanguso ako at pinatay ang kalan, tinabi ko ang hawak at umupo sa harapan ni Damon. Si Serenity naman ay kakagising lang, may naka handa ng kape sa lamesa kaya kinuha niya 'yon.
"Watch this."
Napatingin ako kay Damon nang magsalita, tumingin siya sa kayna Carlo at Alexis na busy sa pagkekwentuhan. Hindi ko alam kung ano na naman ang pinag chichismisan nila.
Nagulat ako nang ibato ni Damon ang hawak na tinidor kay Carlo, sinalo niya 'yon nang walang kahirap hirap at nakatutok pa rin sa nagsasalitang si Alexis.
Patuloy lang ang ginagawa ni Damon, pero hindi niya ito pinagtutuunan nang pansin. Hinuhulog niya ang mga nasasalong tinidor at agad na sinasalo ang mga binabato ni Damon.
Nang mapuno si Carlo ay humarap siya sa amin, kunot noo siyang tumingin sa amin.
"Ano bang problema mo pre?"
Hindi siya sinagot ni Damon at tumingin sa akin.
"See? Kailangan ganoon ka kabilis."
Napaawang ang labi ko at napakurap kurap. Si Carlo lang ang pinaka mabilis kumilos dito! Sumunod sa kaniya ay si Daniel. Of course he has wings.
I know all of them can do that but Carlo is still on top of moving faster.
"I can't do that. I don't have a strength like that," natatawa kong sambit.
"You sure?"
Napatingin ako kay Serenity na nakataas ng kilay sa akin, may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Ang kaniyang combat knife, tumingin muli siya kayna Carlo na muling nag kekwentuhan.
Inikot ikot niya muna 'yon sa kaniyang kamay bago ibato sa direksyon nila. Parehas na nagulat sina Alexis at napahiga, tinignan nila ang nakadikit na knife ni Serenity at gulat na nagbalik ng tingin sa kaniya.
Napalunok ako at tumingin din kay Serenity, ngumisi siya sa akin.
"Hindi ako ready doon ah! Maduga!" sigaw ni Carlo.
Alam kong hindi lang niya 'yon binato basta basta.
"That's how you do it." She sipped on her coffee.
Hindi ako nagsalita at napangiti nalang.
"First day of school niyo, right?"
Napatingin ako kay Kristine na kakagising lang din. Ngayon ko lang din naalala na first day na namin ngayon, nakaramdam ako ng kaba.
Dahil dalawa lang kami ni Damon, kailangan namin mas maging alerto. Kailangan namin makakuha nang maraming impormasyon.
Nag angat ako ng tingin nang buksan ni Daniel ang tv, agad na bumungad ang balita tungkol kay Alexandra.
"Wow, alexandra's new boyfriend?" natatawang basa ni Kailey sa TV.
They're holding hands in the picture, Alexandra is laughing while Damon is serious. Siguro ay nakuhaan sila bago pa sila makapunta sa coffee shop.
BINABASA MO ANG
Son of Heracles
FantasíaBook 2 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #2) --- He thought he is just an ordinary person. Until he met his real father, There's so many question inside his head, and he need an answer. And he knows who can answer that questions in his head. And now...
