"Ano na namang iniisip mo?"Napairap si Serenity nang marinig ang boses ni Damon, hindi niya ito pinansin at tumingin pa rin sa labas ng bintana.
Pinag krus ni Damon ang kaniyang braso at tumabi sa kaniya, tinignan niya ang pinagmamasdan ni Serenity sa labas.
"Karl is.."
Agad na napatingin si Damon sa kaniya nang magsalita siya.
"My father told me about Karl's life, he said that the weapon that can make him alive is gone."
Sumeryoso naman ang muka ni Damon. "What did you want us to do?"
Tumingin sa kaniya si Serenity. "Teach Karl how to fight."
Mabilis na natuto si Karl, mabuti na lamang at magaling siyang makipag laban. Dahil na rin naturuan siya ni Camilah, kahit papaano ay may kaonti siyang kaalaman.
Nagbabasa sa libro si Damon sa kaniyang kwarto nang makarinig ng sigaw, kumunot ang noo niya at tumayo sa pagkakahiga.
Saktong pagbukas ng pintuan ay nakita niya ring nagsilabasan ang mga kaibigan niya, pumasok sila sa kwarto ni Karl at sumunod naman siya.
Naabutan nilang ginigising ni Elaine si Karl, halatang binabangungot. Nagkatinginan bigla si Serenity at Damon.
"Her Mom already told us about that," sambit ni Veronica.
Tinignan nila ngayon ang tulog na si Karl, napatingin sila kay Serenity nang tapusin siyang gamutin ni Kristine.
"Are you sure you're okay?" Damon asked.
Napairap si Serenity at tumango, hindi na siya nagsalita at dumiretso papalabas ng kwarto.
Agad siyang dumiretso sa kaniyang kwarto, kinuha niya ang naka tagong diary ng kaniyang matalik na kaibigan na si Carly.
Binasa niya ang nakasulat sa pang sampung page ng diary, nakalagay doon na may mangyayari kay Karl na hindi nila inaasahan lahat.
"Ate.. are you sure about that?"
Napatitig saglit si Chloe sa naglalakad na si Serenity papalayo, hawak hawak niya na si Karl hanggang sa makalabas sila ng Academy.
Bumuntong hininga si Chloe. "I know it's not easy. Pero sa paraan na 'yon ay mahahanap agad natin ang sword."
Kinagabihan, isang babae ang nakatago sa likod ng puno habang pinapanood na mag ensayo si Karl at Serenity.
Nanlaki ang mata niya nang lumipad sa direksyon niya ang knife ni Serenity, agad 'yon dumikit sa pader.
Napaawang ang labi niya nang makita 'yon sa personal, dahan dahan niya 'yon nilapitan at kinuha.
Matagal niya nang pinapangarap na gumawa ng weapon na katulad kay Serenity, hinahangaan niya na kase 'yon matagal na.
Maglalakad na sana siya papaalis nang matigilan siya, dahan dahan siyang nag angat sa taong nakaharang sa kaniya.
Natigilan si Serenity nang may narinig siya habang papaakyat siya ng kwarto, madilim na ang kabuuan ng bahay at tanging kurtina lang ang nakabukas.
Walang emosyong sumandal si Serenity sa kaniyang pintuan at pinag krus ang braso, pasimple siyang tumingin sa gilid.
"Bakit gising ka pa ng ganitong oras, Elaine?"
Narinig niyang napamura si Elaine at muntikan nang matumba, dahan dahang nag angat ng tingin sa kaniya si Elaine.
Hindi nagsalita si Serenity at tinignan siya saglit, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa pintuan ng kwarto ni Elaine at binuksan 'yon. Hinawakan niya ang braso nito at pinapasok sa kwarto at sinara.
BINABASA MO ANG
Son of Heracles
FantasyBook 2 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #2) --- He thought he is just an ordinary person. Until he met his real father, There's so many question inside his head, and he need an answer. And he knows who can answer that questions in his head. And now...