Chapter 13

281 10 5
                                    


"Are you doing good here?" I smiled.

Ngumiti naman si Mom at tumango. "Oo naman anak, nagawa mo pa talaga akong bisitahin dito."

Unti unting napawi ang ngiti ko at tinignan siya ng maigi.

"Mom.. yung letter ba na binigay mo sa akin ay totoo? bigay talaga ni Dad? I'm hoping..." na hindi 'yon ang totoong letter. "Na sincere siya roon."

Kumunot ang noo niya at tumango. "Oo, bakit? May problema ba? Nabasa mo na ba?" Sunod sunod niya pang tanong.

Napalunok ako at nakaramdam ng kaba. Ang letter na 'yon ay bigla nalang nawala sa kwarto. Hades said that letter is important, my father wrote how he struggles and how he survived.

Hades knows that i will suffer too.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Wala naman po, gusto ko lang tanungin."

Hindi siya nagsalita at may kinuha sa kaniyang bulsa, kumunot ang noo ko nang inabot niya sa akin ang itim na susi.

"You might need that someday.." Nilagay niya 'yon sa kamay ko.

"What's this?"

She shrugged. "I don't know, your father gave that to me nung pinagbubuntis palang kita."

Tinitigan ko 'yon nang matagal at dahan dahang tumango. Napunta ang tingin ko sa aking relo at nagpaalam na sakaniya.

Parehas kaming tumayo, ngumiti siya ng malungkot sa akin at yumakap.

"Take care of yourself," She whispered.

Ngumiti ako at tumango. "You too."

Habang nakayakap ay napatingin ako sa dalawang pulis na nagbabantay sa amin, nakita ko ang kwintas na silver sa kanila. Tumango sila sa akin at napangiti ako lalo.

It's a centaur.

Habang papauwi ay tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. Pinag uusapan na nila ngayon ang mga taong pumasok sa bahay na nirentahan namin. Ayon kay Elaine, nahuli na raw nila. Wish ko lang na may natitira pang buhay sa kanila.

Pinlano na namin na magkukunwaring aalis para mahuli ang mga 'yon. Nagpanggap kami na walang alam sa mga gamit na 'yon.

"So what happen?"

Napatingin ako kay Serenity, seryoso siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"I-it's.. fake."

Ayoko nang madagdagan pa ang responsibilidad nila sa akin kaya sinabi kong peke.

Napatitig siya ng matagal sa akin at maya maya rin ay tumango.

"Okay," Maikli niyang sagot.

Huminga ako ng malalim at ngumiti, nag iwas ka agad ako ng tingin at napapikit ng mariin.

Pagkabukas ko palang ng pinto ay agad na sinara ni Daniel ang kaniyang laptop, nanlalaki pa ang mata habang nakatingin sa akin.

I smirked. "Ano 'yan? Porn? Ikaw ha."

Bigla siyang namula at umiling. "Gago! Gaya mo ako sayo."

Pinanliitan ko siya ng mata habang pinupunasan ang buhok. "Okay lang 'yan, normal naman 'yan saatin."

Binato niya ako ng unan kaya natatawa akong umilag, isasara ko na sana ang pintuan nang biglang may pumasok kaya natulak ako.

"Aray ha!"

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon