Chapter 4

400 16 6
                                    


Gabing gabi na nang may kumatok mula sa bintana ng kwarto ko. Inis akong tumayo at hinawi ang kurtina, nagulat ako nang makita si Camilah at kumaway pa.

Agad kong binuksan ang bintana at pinapasok siya, nakahinga siya ng malalim at hinubad ang jacket.

"Ano ba? Ganitong oras talaga?" Sambit ko.

Hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw at hinayan na lang ang buwan ang nagsisilbing liwanag sa kwarto.

"Syempre, tanga ka ba? Paano kung may makakita sa akin," inirapan niya ako at umupo sa kama.

I took a deep breath and looked at her seriously.

"Parang ang hirap nilang kilalanin."

She laughed. "Oo, mahirap talaga. Pero ang gwapo ni kuya Damon!"

Lumalabas na naman ang pagiging malandi niya. Inirapan ko siya at umupo sa tabi niya.

"What if Brian and Jaylord die?"

Nilingon niya ako at seryosong tinignan.

"Hindi sila pumapatay ng tao, maliban nalang kung kinakailangan talaga."

Bumuntong hininga ako. "Yun ba talaga ang intensyon nila sayo noon pa?"

She smiled sadly. "Oo, ilang beses akong sinasabihan ng mga classmate natin na naririnig nila sina Brian na pinagnanasaan ako. Dagdag mo pa 'yung mga inggiterang babae lalo na jowa ni Brian."

Palagi nalang siyang nabubully sa school dahil sa ganda at talinong meron siya. 'Yun ang isa sa rason kung bakit ko siya niligawan, para sa paraan na 'yon ay itigil nila ang pananakit sa kaniya.

When we are together, she tells me that she just want to live as a normal person for once. She knows that her life is not just like that, she will explore some things and be powerful like her Dad.

But she didn't expect that her life will be miserable, she didn't want to be a perfect person that everybody wants. She wants to have a friends, and it turns out that i became her bestfriend too.

Hindi ko akalain na sarili kong kaibigan, may gagawin na masama sa kaniya. Gusto lang ni Camilah na normal na buhay, ang sabi niya nga baka sign yon na hindi talaga siya para rito sa mundo ng mga tao.

"Pero panigurado naman akong makukuha nila ang hustisya, malapit na nilang makuha ang totoo..."

"At malapit na rin akong umalis," tango kong sabi.

Saglit kaming natahimik at tumingin lang sa bintana habang humahangin, narinig ko ang buntong hininga niya kaya lumingon ako sa kaniya.

"I am going to start at Elite Sections."

Nanlaki ang mata ko. May ranking daw sa Academy at ang pinaka mababa ay ang Elite section. Doon napupunta ang mga hindi pa pamilyar sa kapangyarihan na meron sila, ang mga hindi pa marunong lumaban. Sumunod ay ang master, doon ka susunod na makaka punta kapag nag iimprove ka na sa pakikipag laban at nakikita na ang kakayahan mo.

At hanggang doon lang sila, dahil ang Superior Section ay para lamang sa mga anak ng makakapangyarihan na God's and Goddesses.

"Bakit doon? Hindi ba pwede sa-"

"Pwede," putol niya sa akin. "Ayoko lang.. gusto kong magsimula sa pinaka umpisa. Naniniwala akong may mga kakayahan pa ako na hindi ko pa na didiskubre."

"At ako? Saan ako mapupunta?" Nag aalala kong tanong.

She laughed. "Ofcourse in Superior section."

Napairap ako at umiling. "Hindi ko ata kakayanin."

Bigla niya akong binatukan kaya napadaing ako. "Anong hindi kaya?! Sampalin kita eh."

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon