Chapter 23

252 18 12
                                    


Dahan dahan kong ininom ang wine ko habang pinapanood sina Damon na pilit na pumapalakpak, tinignan ko naman si Serenity na seryoso lang ang muka habang hawak hawak ang wine glass.

She looked fierce in her position, tumingin siya sa akin at napailing.

Kumunot ang noo ko. "Problema mo?"

Hindi siya sumagot at tumingin lang sa harapan, napaisip tuloy ako kung nireregla din ba sila?

Pagkatapos nilang makipag plastikan ay umupo sila sa kaniya kaniyang upuan, nasa likod pa rin kami ni Chloe habang nagsasalita siya.

Nang sabihin niyang pwede na silang kumain ay nagsi hiyawan naman sila, ngumiti muna si Chloe bago tumalikod at humarap sa amin.

Saktong pagharap niya ay tumayo si Serenity, hinawakan ni Damon ang kamay niya pero hinawi niya lang 'yon.

Tinignan ko si Michelle na masayang nakikipag usap sa mga kaibigan niya, huminga ako ng malalim.

Alam kong hindi niya gusto ang presensya ko, possible bang may kinalaman siya sa nawawalang weapon na 'yon?

Paano kung hawak hawak na niya ang sword na 'yon pagkapasok sa bahay namin? At nilagay niya lang 'yon sa kwarto ko para ako ang magmukang kumuha non.

Pero bigla kong naalala ang nawawalang knife ni Serenity, paano naman mapupunta sa kaniya 'yon kung kaming dalawa lang kami ni Serenity ang nandoon?

Nagtama ang tingin namin nang mapunta ang mga mata niya sa direksyon namin, tinaas niya ang wine glass niya at kumindat sa akin.

Nawala ang atensyon ko kay Michelle nang makitang lumapit si Serenity kay Chloe.

"Are you sure about your decision?" Serenity asked.

Naguguluhang tumango si Chloe. "Bakit ba galit na galit ka kay Michelle? Wala namang ginagawa sayo 'yung tao."

Serenity smirked. "Sa tingin mo magagalit ako ng walang dahilan?"

Sumeryoso ang muka ni Chloe at hindi nakapagsalita, tinapik niya ang balikat nito at ngumiti.

"It's okay, Chloe. After all.. alam mo palagi ang ginagawa mo. Tulad ng dati, hindi ba?"

Napalunok siya sa sinabi ni Serenity at nag iwas ng tingin, tumawa ng mala demonyo si Serenity at nilagpasan siya.

Natigilan siya bigla at tumingin kay Veronica, sa isang tingin ay mukang na gets agad ni Veronica ang pinaparating ni Serenity. Agad siyang tumayo at sumunod sa kaniya.

"You know something's wrong when Serenity is acting like that, right?" Chloe asked and looked at his brother.

Hindi sumagot si Damon at inakbayan lang siya para makakalma, mukang kinakabhan si Chloe kaya  umalis na silang dalawa.

"Anong ibig sabihin ni Serenity?" I asked.

Carlo sighed. "Something happened sa batch nila, you should read their book in the library. Ayokong mag story time dito," pagkatapos ay tumayo siya at dumiretso sa mga pagkain.

Marami pa pala akong hindi alam sa nangyayari dito sa Academy, bigla kong naalala ang sinabi ni Sebastian na ang mission niya noon ay ang bantayan ako.

Ibig sabihin ba ay may alam din si Chloe noon? Magka batch sila, or possible bang.. hindi lang sila ang nag eexist na Superior noon?

Napaka daming misteryoso dito sa Academy, ilalagay ko ang tanong na 'yon sa top 7 ko.

Para akong tanga na gumagawa ng top 10 mysterious sa utak ko, pero okay lang. Ganito kasi kapag matalino eh, gwapo pa.

Naglalagay ako ng pagkain sa plato ko nang biglang may tumabi sa akin, saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at naglagay ng chicken sa plato ko.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon