Chapter 8

330 12 7
                                        


"Where are you?"

I looked around at my room, hindi ko na pinansin ang madilim na paligid. Binuksan ko ang bintana ko at sinalubong ako ng malakas na hangin.

"Don't find me again."

Nakaramdam ako ng galit. "Why?! I need you, Dad!"

Hinihingal ako nang tumungtong sa railings, matapang akong tumingala.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang madilim na usok, nanlamig ang buong katawan ko nang mawalan ako ng balanse.

Akala ko ay katapusan ko na nang may humawak sa kamay ko, mas lalong nanlaki ang mata ko nang lumabas ang kamay na 'yon sa maiitim na usok.

"Karl! Karl!"

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa paligid, huminga ako ng paulit ulit at naramdaman ang pawis.

Natigilan ako nang makita silang lahat sa loob ng kwarto ko, nagkatinginan kami ni Serenity. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"We heard you screaming, what is happening?" Nag aalalang tanong ni Elaine.

Tinignan ko ang wall clock at hindi sumagot. 5 am na ng umaga, napatingin ako kay Kristine ng may hawak na baso. Agad kong kinuha 'yon at ininom ang tubig.

"You are calling your Dad.. why?" Carlo asked seriously.

Dahan dahan kong binaba ang baso, nagulat pa ako ng kaonti nang makita ang seryoso niyang muka. Minsan ko lang siyang makita na ganito. Hindi ako nagsalita at napalunok lang.

"Karl, you want us to help you right? Then tell us the truth, what happened when you was a child?" Kailey asked.

Bumuntong hininga ako at sinalubong ang mga tingin nila.

"I have some memories that.. i can't remember," Kumunot ang noo ko, inaalala ang mga 'yon. "I think i was 8 years old that time, i can see my father. But the strange is.. he's saying that i need to stop seeing him and i don't know why!"

Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko nang maalala ko ang panaginip. Nahulog ako pero may sumagip sa akin.

"Isang maitim na usok.. maitim na usok ang nakita ko," Humigpit ang hawak ko sa baso.

Nakita kong nagkatinginan si Damon, kaya naman sinamaan ko sila ng tingin. Napatingin ang lahat kay Serenity.

I suffered with that black smoke, nagkaroon ako ng trauma dahil doon. Palagi ko 'yon nakikita.. para bang nagbabantay palagi sa akin.

Nasa bintana siya palagi, tuwing gabi ko nakikita. Pipikit ako ng mariin habang pinagpapawisan kahit naka aircon, pagmulat ko ay bigla nalang nawawala.

"You are the only one here who has a family with that thing, a black smoke right?" Kinakabhang tanog ni Daniel.

Nag iwas ng tingin si Serenity at hindi sumagot, napatingin sila sa kamay ko nang mabasag ko ang baso. Hindi ko pinansin ang tumutulong dugo mula sa kamay ko at tumayo at pinuntahan si Serenity.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin nang harangan ako ni Damon, napasigaw sila nang hinagis ko siya sa gilid. Kaya naman nagkatinginan kami ni Serenity, mata sa mata.

"What did you do to me? Ikaw 'yun, diba?!"

Pinag krus niya ang braso at ngumisi. "So? Paano nga kung ako 'yon?"

Parang automatic na tumaas ang kamay ko at sinaksak sa dibdib niya ang hawak kong bubog. Napaawang ang labi niya at nanlaki ang mata habang nakatingin sa akin.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon