Chapter 21

249 14 3
                                    


Sumeryoso ang muka niya at unti unting ngumisi.

Bago pa siya magsalita ay tinapat ko agad ang kamay ko sa muka niya at may hinipan. Napangisi ako nang bumagsak siya na agad namang nasalo ni Damon.

Mabuti nalang at walang nakakita sa amin, busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa.

Tinapon ni Kailey ang sigarilyo nang makita kami, binuksan niya ang pintuan ng kotse. Dahan dahan kong hiniga si Denise at tumango kay Damon.

We found an abandoned house near the condo, binuksan ni Carlo ang pintuan nang makita kami.

I looked around the house, since it's abandoned all of the things here are kalat kalat na. The walls are made by wooden, sinara ko ang bintana kaya naglika 'yon nang ingay.

Inupo nila si Denise sa upuan at tinali, sinigurado nilang hindi niya 'yon matatanggal.

Tumabi ako kay Serenity at sumandal din sa kahoy, kinuha niya ang sigarilyo sa kaniyang bulsa at sinindihan gamit ang kamay na naglabas ng apoy.

"Napapadalas na ang pagsisigarilyo mo, huh?" Kunot noo kong tanong.

Bumuga muna siya ng usok. "It feels good, wanna try it?"

Inirapan ko siya. "I already tried that, tumigil lang ako 'no."

She smirked and handed me the another cigarette, hindi ako lumingon para mapigilan ang sarili. Mas lalo niya pa 'yon nilapit sa muka ko kaya hindi ko na mapigilang matawa.

"Bad influence ka?" inirapan ko siya at kinuha 'yon sa kamay niya.

Sinindihan niya rin ang binigay niya sa akin, pinanood niya naman akong mag sigarilyo at mukang namangha pa nang makitang marunong ako.

Binugahan niya muna ako ng usok bago mag iwas ng tingin sa akin, napaubo naman ako at napairap.

Maya maya rin ay dumating na sina Elaine, kumpleto na kaming lahat dito habang nakapaligid kay Denise.

Isang pitik palang ni Elaine ay nagmulat agad si Denise. Dahan dahan siyang nag angat sa amin, wala siyang pinakitang emosyon at nilibot ang paningin sa amin.

Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan.

"What do you want? Money? My brother did this?" sunod sunod niyang tanong.

Walang sumagot sa amin kaya ngumisi siya, pakiramdam ko ay nawala ang nakilala kong Denise. Napatingin siya kay Veronica nang lumapit ito sa kaniya.

"What are you doing?!" sigaw niya.

Hindi ito pinansin ni Veronica at pumunta sa likuran niya, mahigpit niyang hinawakan ang buhok nito kaya sumigaw siya. Tinaas niya 'yon at may kinakalikot sa likod ng damit niya.

Napaawang ang labi ko nang may tinaas na zipper si Veronica, nalaglag ang salamin ni Denise nang lumabas ang totoo nitong muka.

"You are wearing a mask rubber doll? Infairness, hindi halata ha," sambit ni Veronica habang hawak hawak ang mask na sinasabi niya.

Parang kinilabutan ako bigla habang nakatingin sa mask na 'yon. Sabi ni Elaine, this mask was made by silicon rubber and designed as the head of human. It has disguise make up.

I looked at her real face, i saw how her eyes glow. Her eyes is different compare to her brother, she smirked and sighed.

"Now you saw my real face, call my brother since-"

"Oh honey, this is not about your brother." Carlo said and smirked.

Lumapit ito sa kaniya at nilapit ang muka, seryoso lang siya habang nakatingin kay Carlo. Mas lalo pang nilapit ni Carlo ang muka kaya lumayo siya.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon