Chapter 10

3.3K 161 4
                                    

"Arc?" Pabulong na sabi ni Beluria ng bigla siyang yakapin ni Archelos. Pinipilit niyang itulak ang lalaki pero mahigpit pa rin ang yakap nito sa kanya, kaya sinipa niya ito sa binti. 

"Ouch!" Daing nito habang hinahaplos ang nasaktang binti. 

"I'm sorry, Sir. Nagkamali ka po yata ng niyakap, hindi naman po kita kilala e." Sabi niya ng makaagaw ng atensyon ang ginawa ni Archelos. Nagtatakang nakatingin sa kanila ang mga kandidata sa backstage.

"Nakalimutan mo na ako?" Nakangiwi nitong tanong. Napalakas yata ang sipa niya sa binti nito.

"I'm sorry Sir, pero ngayon lang kita nakita." Magalang niyang paumanhin. 

"Are you serious?" Hindi makapaniwala nitong tanong. 

Hindi na niya ito pinansin at muling bumaling kay Lita na halata ang pagkamangha kay Archelos pero naroon pa rin ang pagkalito sa nangyayari. 

"Lita, babalik na ako sa labas. Good luck!" Hindi na niya hinintay sumagot si Lita at nagmamadaling umalis sa backstage para iwasan si Archelos. 

"W-wait! Bel!" Hindi niya pinansin ang tawag ni Archelos at muling bumalik sa mga kasama. 

Humahangos siyang nakarating sa dating pwesto. Nagtataka naman ang kanyang mga kasama dahil sa kanyang pagmamadali. 

"Anong nangyari sa'yo? Bakit humahangos ka? Para kang hinahabol ng kabayo e," puna ni Lena sa kanya. 

"May nakita kasi akong multo." Seryoso niyang sagot. 

"Multo?" Kunot-noo nitong tanong.

"Oo. Multo ng nakaraan."

"Huh? Hindi kita maintindihan." Naguguluhang sagot ni Lena. 

Tumingin na lang si Beluria sa stage. Naabutan pa niya ang pag-bow ni Lexie tanda sa pagtatapos ng performance nito kasabay ng palakpakan ng mga tao. 

"Hindi naman maganda ang ginawa niya," komento na naman ni Lena. 

"Ano bang ginawa niya?" Curious niyang tanong. Mukhang maganda naman ang ginawa nito base sa reaksyon ng mga tao. May sumisipol pa mula sa mga manonood. 

"Sumayaw siya. Ang tigas naman ng katawan. Pagpapakita lang talaga ng legs ang talent niya." Halata ang pagkadisgusto nitong sabi. 

Hindi na nagkomento si Beluria at tahimik na nanonood kahit wala na siyang maintindihan. Maging ang ingay sa paligid ay hindi niya pinapansin. Malalim ang kanyang iniisip at iyon ay dahil sa pagsulpot ni Archelos. Wala siyang ideya kung paano nito nalaman ang kinaroroonan niya o talagang nagkataon lang ang pagkikita nila sa lugar na ito. Napakalayo nito sa siyudad kaya may hinala siyang sadya itong pumunta rito. 

"Ahh!!!" Nagulat si Beluria sa sigaw ng mga kasama. Tumingin siya sa mga ito pero tulad ng inaasahan si Mutual lang ang tahimik sa kanila. 

"Anong meron?" Tanong niya sa lalaki na tanging isang sulyap lang ang naging sagot sa kanya. 

Napanguso naman siya. Hindi kasi niya magawang tanungin si Lena dahil mukhang tuwang-tuwa ito at ayaw magpapigil sa pagtalon. 

Tumingin na lang siya sa entablado. Nakita niyang nakatayo si Lita sa unahan ng mga kandidata. May ngiti ito sa labi pero namumuo ang luha sa mga mata. Halata ang kasiyahan sa itsura ng dalagita. 

"Anong award ni Lita?" Muli niyang tanong pero ngayon kay Lena na. Mukhang nahimasmasan na ito sa sobrang kasiyahan. 

Nagtataka itong tumingin sa kanya. 

"Anong nangyayari sa'yo? Seryoso ka namang nanonood kanina pero hindi mo alam ang nangyayari?" Mangha nitong tanong. 

Seryoso nga ang kanyang mukha pero lumilipad naman ang kanyang isip kaya wala siyang naintindihan sa palabas. 

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon