Chapter 8

3.4K 166 0
                                    

Hindi maalis sa isip ni Beluria ang ngisi ni Mutual kanina. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ginagambala siya ng ngising iyon. Isang ngisi na napakalayo sa sinserong ngiti at tila nagtatago sa isang misteryosong pagkatao.

Sino ba talaga si Mutual?

Bumaling si Beluria sa kabilang parte ng higaan. Nakatingin lang siya sa gilid ng katreng papag. Sa lapag na siya nakahiga ngayon dahil ayaw na niyang mangyari ang nangyari kaninang umaga. Naglalaro sa isip niya ang mga posibilidad sa pagkatao ni Mutual ng bigla itong dumungaw sa kanya. 

"H-hi!" Awkward niyang bati ng mahuli siya nitong nakatingin. Dahil may konting liwanag sa silid, kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito.

Sa halip makipag-usap, tinalikuran na lang niya ito at nagtalukbong ng kumot. Pinilit niyang matulog pero nangawit na siya sa posisyon hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Inalis niya ang kumot at umupo.

"Aist! Hindi naman ako makatulog!" Reklamo niya.

Narinig niya ang pagtunog ng papag kaya tumingin siya roon. Nakita niyang umupo si Mutual at itinuturo nito ang kanyang noo.

Hinawakan niya ang noo. Nagtaka siya ng basa iyon. Tiningnan niya ang kamay.

Dugo. 

May bahid ng dugo ang kanyang kamay mula sa noo niya. 

Tumayo si Mutual at lumabas ng silid. Pagbalik nito may dala na itong malinis na tela at panlinis ng sugat. Nakatingin lang siya hanggang umupo ito sa tabi niya. Bahagya pa siyang umatras ng lumapit ito sa kanya. 

"A-anong gagawin mo?" Itinuturo nito ang noo niya at dalang mga gamit. 

Tumango naman siya ng makuha ang gusto nitong gawin. Papalitan nito ang benda sa noo niya. 

Nahigit niya ang paghinga ng dumukwang ito para alisin ang tali ng benda. Nag-init ang kanyang mukha ng tumama ang hininga nito sa pisngi niya. 

"M-mahigpit ba ang buhol?" Hindi nakatiis niyang tanong pero hindi naman ito sumagot tulad ng kanyang inaasahan.

Naiilang siya sa pwesto nilang dalawa lalo na sa hininga nitong dumadampi sa mukha niya. Okay lang sana kung bad breath ito para iyon ang pinagtuunan niya ng pansin pero hindi e. OA man sabihin pero aaminin niyang parang fresh air ang hininga nito. Ang sarap langhapin. Ngayon lang niya nalaman na may ganoon palang amoy ng hininga. Halos lumapat na ang mukha niya sa leeg nito kaya nalanghap niya ang natural nitong body scent. Hindi niya napigilan na amuyin 'yon kahit para siyang adik na sumisinghot. 

Naramdaman ni Beluria na bahagyang umigtad si Mutual ng lumapat ang dulo ng ilong niya sa leeg nito pero hindi naman ito lumayo. Pinagpatuloy lang nito ang ginagawa. 

Bakit kasi ang bango ng leeg nito? Ano kayang cologne ang gamit ni Mutual? Tanong niya sa isip. 

Hindi nagtagal, naramdaman ni Beluria na lumuwag ang tali sa noo niya. Nagpatay malisya lang siya habang nilalagyan ni Mutual ng panibagong benda ang sugat niya. Gusto sana niyang hawakan ang sugat para alamin kung gaano iyon kalaki pero tinapik nito ang kamay niya.

Nang matapos ito sa ginagawa, tiningnan nito ang kanyang higaan. Pinagpagan ang unan bago siya inalalayan humiga. Itinaas nito ang kumot hanggang dibdib niya. Natatawang nakatingin naman siya sa ginagawa nito. Wala naman siyang sakit pero sobra siya nitong alagaan.

"Wala naman akong sakit, Mutual. Hindi rin ako baldado. Kaya kong alagaan ang sarili ko kaya hindi mo na 'yan kailangan gawin." Nakangiti niyang sabi, pero sa totoo lang natutuwa siya sa mga ginagawa nito. "Sapat na ang mga ginawa mo para sa akin. Bumalik ka na sa purok bukas para magawa mo naman ang dapat mong gawin doon."

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon