Chapter 41

2.4K 117 16
                                    

Makalipas ang isang buwan, marami ang nagbago sa pamumuhay ni Beluria sa hacienda. Marami na siyang kakilala at kaibigan, mas matanda, mas bata o kasing edad niya. Nakikipagbiruan na rin sa kanya ang mga matatandang magsasaka. Maging ang pag-irap ni Bern ay nabawasan na. Natanggap na rin niya ang unang buwan na sweldo. Ipambabayad niya sana iyon sa mga biniling damit ni Bern pero huwag na raw. Regalo na lang daw nito sa kanya dahil nanalo siya sa karera. Araw-araw din niyang nilabas si Midnight pagkatapos ng race. Utos iyon ni Tatay Bernardo dahil hindi pa raw dumadating ang may-ari ng kabayo. Ito lang daw ang nakakahawak sa kabayo maliban sa kanya. 

Sa dami ng nagbago, hindi pa rin nagbabago si Arrielle at Crisie. Palagi pa rin siya nitong pinapahirapan kahit nanalo siya sa race. Isang halimbawa ay nung inutusan siyang kumuha ng mga ito ng isang basket na mangga pero, hindi naman kinain pagdating niya. Ang katwiran ng dalawa nawalan daw ng gana dahil sa tagal niya. Isang kilometro yata ang nilakad niya para sa mga manggang iyon tapos nalaman niyang may puno pala malapit sa mansyon pero, hindi sinabi ng dalawa at itinuro sa kanya 'yung malayo. Minsan sinasagot niya ang mga ito pero madalas deadma na lang siya. Nakakapagod din makipagtalo sa mga isip bata. 

...

Abala ang lahat sa paghahanda ng araw na iyon. May darating na bisita sa mansyon dahil sa gaganaping Anniversary kinabukasan. Tumulong naman siya sa paglilinis pagkatapos niyang ilabas si Midnight. Halos kuminang na ang buong mansyon dahil sa paglilinis nila. Maging ang mga silid ay isa-isang nilinis. Kailangan walang alikabok na makikita sa paligid. Maselan daw ang mga darating kaya dapat pulido ang trabaho nila. 

"Sana dumating si Lord A. Matagal na rin siyang hindi nagpapakita rito. Gusto ko nang masilayan ang kakisigan niya." Kinikilig na sabi ni Maricar, isa sa kasama niyang kasambahay.

"Nakamove-on na kaya siya sa dati niyang nobya? Kawawa naman ang nangyari sa kanya 'no?" Sambit naman ni May-ann. 

"Tama ka. Matagal na rin siyang hindi bumabalik dito. Malay mo nakahanap na siya ng bagong pag-ibig." Muling sabi ni Maricar.

"Wala siyang mahahanap na bagong pag-ibig sa malayo dahil narito ang pag-ibig niya." Nakangiting sabi ni May-ann. 

"Tama! Narito kasi ako," tumili si Maricar ng sabihin iyon. 

"Anong ikaw? Ako kaya!" Giit naman ni May-ann. 

Nagtalo ang dalawa tungkol kay Lord A. Curious din siyang malaman kung sino ito. Habang papalapit ang araw ng anniversary, palagi niyang naririnig ang pangalan ni Lord A. Ayon kay Bern, ito raw ang may-ari ng Hacienda at kay Midnight. Masungit daw iyon pero yummy. Pwede raw pagnasaan pagkatapos kang pagalitan. Natawa na lang siya sa description nito.

Hindi na siya nakisali sa usapan ng dalawa. Nagpatuloy lang siya sa paglilinis hanggang matapos. Lilipat na sana siya sa kabilang silid ng pigilan siya ni Maricar.

"Bawal diyan, Luna. Hindi tayo pwedeng pumasok sa silid na 'yan. Tanging si Aling Elya lang ang maaaring pumasok at maglinis sa kwarto ni Lord A." 

Tumango na lang si Beluria at umalis. Tapos na silang maglinis kaya makakapagpahinga na sila. 

...

Kinabukasan, mas naging abala ang lahat ng sumapit ang araw ng anniversary. Sa sobrang dami ng trabaho, wala na silang panahon para mag-usap maliban na lang kung may kinalaman sa kanilang trabaho. Smooth naman ang trabaho nila. Salamat na rin sa maayos na pamamalakad ni Aling Elya.

Gabi pa naman magaganap ang party kaya pinuntahan muna niya si Midnight pagkatapos niyang gawin ang mga iniutos sa kanya. 

"Midnight!" Sigaw ni Beluria habang papalapit sa kwadra nito.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon