Chapter 3

4.4K 204 5
                                    

Nagulat si Beluria sa ginawa ni Mutual kaya hindi agad siya nakagalaw.

Bigla siya nitong hinila at kasamang kumubli sa malaking ugat ng puno na may matataas na damo. Nakatakip ang isa nitong kamay sa bibig niya habang nakahawak ang isa sa likod ng kanyang baywang. Naramdaman niya rin na may kakaiba sa paligid kaya't nagpadala na lang siya sa hila nito. Tinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ni Mutual para hindi tuluyang bumagsak ang katawan niya rito. Nakasandal naman ito sa ugat ng puno para suportahan silang dalawa. Iniiwasan rin niyang gumalaw para maiwasang makagawa ng anumang ingay dahil sa mga tuyong dahon.

Pigil ang paghinga ni Beluria at ramdam din niya iyon kay Mutual. Maging ang pagkurap ng mga mata nila ay tila naudlot na. Nakatitig sila sa isa't-isa habang nakikiramdam sa paligid. 

"Sigurado ba kayong narito sa kagubatang ito ang pinakamabangis na hayop?" 

Narinig niyang tanong ng isang lalaki mula sa grupo ni Leopard. Ang isa sa mga tauhan ni Alpha na dahilan kaya sila nagtatago ngayon. Hindi sila pwedeng makita ng mga tauhan ni Alpha, baka magulo ang tahimik nilang buhay sa Purok kapag na-encounter ang mga ito. 

"Oo. Wala pang nagtangkang pumasok dito. Kaya't narito pa rin iyon,"

"Sayang ang pabuya ni Alpha kapag hindi natin natagpuan iyon."

"Kapag tayo ang nakahuli, siguradong ubos ang lakas natin mamayang gabi. Jackpot na tayo sa mga babae, meron pang limpak-limpak na salapi."

"Nahuhumaling rin ako sa mga hita nila Pare, ang puputi!"

"Kaya talasan nyo ang inyong pakiramdam para sa atin mapunta ang pabuya ni Alpha."

"Paano kung ang grupo ni Jaguar ang nakahuli? Anong gagawin natin?"

"Tinatanong pa ba 'yan? E,'di kunin sa kanila… ng sapilitan."

"Iyan ang gusto ko sa'yo Leopard, napakagaling mong mag-isip."

Narinig nila ang tawanan ng grupo. Halos hindi sila humihinga habang dumadaan ang mga ito sa tapat ng pinagtataguan nila.

Hindi lang sila ang grupo ng mga hunter sa kanilang bayan. May iba pang grupo at iyon ay ang grupo ni Alpha na siyang iniiwasan nila. Nakasalubong na niya si Jaguar at Leopard pero dahil sa bilis ni Hit, natakasan niya ang mga ito. Hindi pa niya nakikita o nakikilala si Alpha, pero ayon kay Ka Elias mas tuso at malupit ito kaysa sa dalawang tauhan. May teritoryo rin si Alpha na ipinagbabawal at iniiwasan nilang puntahan. Kapag nagkamali sila, mararanasan nila ang kalupitan ni Alpha. 

Nang makalayo ang grupo, saka pa lang inalis ni Mutual ang kamay sa bibig niya. Huminga siya ng malalim. Pakiramdam niya may bumara sa baga niya kanina. Laking pasalamat niya dahil papalayo ang direksyon ng kabilang grupo sa lugar kung nasaan ang kanyang mga kasama. 

Aalis na sana si Beluria sa pinagkukublihan nila ng muli siyang natigilan.

"Don't move." Madiin niyang utos kay Mutual nang kumilos ito sa pwesto.

Tumigil naman ang lalaki.

"Kumuha ka ng isang patalim sa baywang ko, dahan-dahan lang." bulong niya rito.

Alam niyang narinig siya nito dahil sa kanilang distansya. Bahagya lumiit ang kanilang pagitan ng kumilos ito kanina.

Naramdaman ni Beluria ang paggalaw ng kanyang belt bag, pero kitang-kita naman niya sa gilid ng mga mata ang paglapit ng isang hayop. Ang dahilan kaya natigilan silang muli sa pagkilos. 

"Ilagay mo sa kamay ko. Huwag kang mag-lilikha ng anumang ingay." muli niyang sambit.

Nararamdaman niya ang marahan na pagkilos ni Mutual, pero mas ramdam niya ang mabilis na paglapit ng hayop.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon