Chapter 43

2.3K 111 2
                                    

Kaharap na ni Beluria ang masungit pero yummy'ng Lord A sa hacienda na pwedeng pagnasaan pagkatapos kang pagalitan tulad ng description ni Bern?

No, thanks! Naiinis pa rin siya kay Mutual dahil sa ginawa nito sa kanya at kahawig niya ang taong na sa harapan niya ngayon. Mula ulo hanggang paa parehong-pareho ang dalawa lalo na kung hindi ito nagsasalita. Maikli lang buhok ni Lord A samantalang long hair naman si Mutual.

"L-lord A," kinakabahang sabi ni Aling Elya. Na sa tabi na niya ito, maging si Arrielle at Crisie ay narito na rin.

Nakangisi pa sa kanya si Crisie, kulang na lang sabihin nito sa kanya you're dead. Maaaring kapatid niya ang isang 'to pero, bakit ayaw tanggapin ng pagkatao niya? Si Arrielle naman parang natatae sa kaba.

"You!" Muli niyang narinig ang nakakatakot nitong boses. Parang gusto na niyang magtago sa palda ni Aling Elya pero, siya si Beluria at hindi yata siya nagpapatalo.

"Me?" Itinuro pa niya ang sarili bago matamis na ngumiti sa lalaking umuusok na yata pati bumbunan. "Yes, Sir?" Sumaludo pa siya kahit ayaw niya. Kusa kasing kumilos ang kamay niya dahil sa kaba.

Kulang na lang malaglag ang panga ng mga na sa paligid niya. Literal na nakanganga. Pasukan sana ng langaw pero, asa pa siyang may langaw sa loob ng mansyon. Sobrang paglilinis ang ginagawa nila rito araw-araw.

"You dared to punch me?" Umigting ang panga nito. Para talaga itong si Mutual minus sa nagbabagang mata at maikling buhok. "No one ever lay a finger on me, Woman!" May pagbabanta sa tono nito.

"Hindi naman finger 'yun, Sir. Fist po. Kamao in tagalog." Itinaas pa niya ang nakakuyom na kamay para ipakita rito. Parang lalo naman itong nagalit sa kanya. Napahawak pa siya sa braso ni Aling Elya dahil pakiramdam siya bigla na lang siyang matutumba.

"L-lord A, p-please calm down." Pagpapakalma ni Crisie sa lalaki.

"Shut the f'ck up!" Nagulat naman ito ng sigawan ng lalaki.

"Menopausal," bulong ni Beluria.

"Your saying something Woman?" Matalim nitong tanong.

"Si Aling Elya, menopausal na. 'Di ba Aling Elya?" Bahagya pa niyang siniko ang matanda.

"A-ah oo, menopause na ako." Pakikisakay nito pero halata ang takot sa mga mata.

Matiim sila nitong tinitigan bago muling nagsalita.

"Punching your Boss is a big sin, Woman." Hindi pa rin nagbabago ang malamig nitong boses at matalim na tingin.

"Hindi ko naman alam na ikaw ang Boss namin. Akala ko kasi ikaw ang gagong 'yun." Sadya niyang hininaan ang huling salita pero, likas yatang malakas ang pandinig ng menopausal na lalaki.

"Mistaken me for someone?" Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Malay ba niya 'di ba? "That's bullsh't Woman!" Sa totoo lang kanina pa ito sigaw ng sigaw o baka normal na nitong boses iyon?

"Oo, bullsh't talaga siya!" Malakas niyang sang-ayon.

Hindi niya pinapansin ang kanina pang pagsiko ni Aling Elya sa kanya. Maging ang palipat-lipat na tingin ng mga nakapaligid sa kanilang dalawa.

Pumikit si Lord A at huminga ng malalim. Parang pinapakalma nito ang sarili at muling tumingin sa kanya.

Sus! Wala namang nagbago. Ganoon pa rin ang tingin nito sa kanya.

"Breaking my favorite vase," sambit nito at humakbang palapit sa kanya.

"U-uy hindi ako ang may kasalanan n'on ah!" Katwiran niya at umatras pero, hindi siya pinansin ng lalaki at patuloy na nagsalita.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon