Chapter 58

2.6K 121 2
                                    

Nakatayo si Lord A sa harapan ng glass wall at tinatanaw ang nagliliyab na parte ng border. Malayo ang lugar na iyon mula sa headquarter pero, tanaw mula sa kinatatayuan niya ang apoy dahil na rin sa dilim ng paligid.

Kagagaling lang nila sa security room upang tingnan ang nangyayari sa ibang team.

"Hinihintay mo ba siya?" Tumingin siya sa bagong dating.

May hawak itong dalawang baso ng wine at ibinigay sa kanya ang isa.

Kapansin-pansin ang mga bagong gamot na sugat sa katawan ng lalaki. May tapal ng gauze ang gilid ng noo nito.

Kinuha ni Lord A ang wine glass at sinimulang paikutin ang laman n'on. Uminom siya bago sumagot.

"Yeah. She's taking too long." Muli niyang binalik ang tingin sa labas.

"She's too kind not to leave her comrades even it's too risky." Sambit nito na sinang-ayunan niya.

"That's why, she's capable being my Luna." Uminom siyang muli sa hawak na wine glass.

"Is that so?" Nanunuring tanong nito sa kanya. "Do you want her being your Luna because of her abilities or there's something else?"

"You know me, Leon. There's something more." Bahagya siyang ngumiti na kinailing ng kasama.

Nakita niyang itinaas na rin nito ang sariling wine glass ngunit, bago pa ito makainom at tinabig na niya ang kamay nito. Nalaglag ang wine glass ni Leon kasabay ng hawak niyang wine glass. 

"Alpha, what happened? Are you okay?"  Nag-aalala itong lumapit sa kanya at inalalayan siya ng muntik ng matumba. 

Pagak siyang tumawa.

"They got me there. Smart f'cking ass!" Tumalim ang tingin niya kaya bahagyang umatras si Leon kahit hindi ito nakatingin sa kanya. Marahil naramdaman nito ang galit niya. 

"W-what do you mean?" Tanong ni Leon.

"Arc!" Tumingin sila sa bagong dating.

Hinihingal pa ito tanda ng pagmamadali.

"What is it, Archelos?" Tanong niya na hindi pinapahalata ang panghihina.

"Someone is poisoned while drinking their wine!"

Nag-aalalang tumingin sa kanya si Leon.

"Archelos." Napatuwid ng tayo si Archelos sa seryoso niyang boses.

"Y-yes Lord A." Magalang nitong sagot.

"Assist everyone to leave this place. Do it silently. Make sure, traitors won't notice."

"Yes, my Lord." Bahagyang yumukod si Archelos bago umalis.

Nang mawala sa kanyang paningin si Archelos saka siya nanlambot.

"Alpha!" Umalalay sa kanya si Leon.

"Private office." Nakakaunawa itong tumango.

Naglakad si Lord A na tila walang nararamdaman. Hindi niya pinahalata sa mga tao na nalason siya ng wine at nanghihina. Ayaw niyang magdiwang ang mga kalaban. 

...

Mabilis siyang umupo sa harapan ng kanyang giant computers sa loob ng silid. Mayroong maliliit na monitor sa itaas niyon. Nakalaan iyon sa iba't-ibang anggulo sa loob ng headquarters. 

Naisahan siya ng kalaban by using tasteless and colorless poison kaya hindi niya agad nalaman na may lason ang wine. Ngayon sisiguraduhin naman niyang nagtitipon ang lahat ng kumalaban sa kanya.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon