Chapter 19

2.6K 153 22
                                    

Hanggang makauwi, iniisip pa rin ni Beluria ang mga nangyari sa pagitan nila ni Alpha at hindi niya maiwasan mainis sa tuwing naaalala ang mga nakaw nitong halik sa kanya.

"Humanda ka sa'kin kapag muli tayong nagkita Alpha. Sisiguraduhin kong babangasan ko ang nakamaskara mong mukha!" Gigil niyang sabi. 

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang sala at nagtungo sa kwarto. Binuksan niya ang isang maliit na wooden box sa ilalim ng higaan at kinuha ang isang susi. Nagsuot rin siya ng isang hoody jacket bago lumabas ng bahay at nagtungo sa isang lugar. 

Nakarating si Beluria sa isang mataas na pader na sadya niyang pinuntahan. Kung titingnan sa malayo, isa itong mataas na kabundukan. Matagal na rin siyang hindi nagtutungo sa lugar na ito. 

Sinuot niya ang susi sa kandadong nakalawit sa tarangkahan at binuksan ang pintuan. Tumambad sa kanya ang malawak na espasyo. Aksidente lang niyang nakita ang malaking space na iyon sa pader, kaya lihim niya itong ginawa bilang practice room. 

Kasali siya sa national taekwondo team noong na sa siyudad pa siya. Sumasali siya sa mga competition without her Father's knowledge o kahit ng mga malalapit na tao sa kanilang pamilya. Kapag nalaman ng kanyang Ama na sumali siya sa ganoon klase ng sports, pipilitin siya nitong tumigil o maaaring ipasara nito ang mga martial art sports agency at arena para hindi siya maka-dalo. She really love this sport at ayaw niyang mawala ang mga natutunan niya. Isa siyang manlalaro na ginagawa ang lahat para manalo, kaya ng makaharap niya si Alpha nanliit siya sa kakayahan nito. Nagdesisyon siyang muling mag-eensayo para sa muli nilang paghaharap ni Alpha. 

Pumasok siya sa loob at muling sinaraduhan ang pintuan. Sinindihan niya ang mga solo na naroon para maliwanag ang paligid. 

Tinanggal niya ang hoody jacket at nilagay sa isang tabi. Lumapit siya sa isang punching bag na gawa sa buhangin at sinimulang suntukin iyon. Gumagaan ang kanyang pakiramdam kapag pinagpapawisan siya sa pamamagitan ng pagsuntok. 

Nilaan ni Beluria ang kanyang buong araw sa silid na iyon. Iba't-ibang klase ng ensayo ang ginawa niya para maging sariwa sa kanyang katawan ang mga nalalaman. Tanging bilis, liksi at diskarte lang ang nag-improve sa kanya sa pangangaso pero nakakatulong din 'yun sa kanya. 

"Hiyah!!!" Sigaw niya kasabay ng malakas na sipa sand punching bag. Naalis ito sa pagkakasabit at nawasak. 

Humihingal siyang umupo sa isang bato sa loob ng silid. Pinunasan niya ang pawis at pinagmasdan ang kanyang kamao. Namumula pa iyon dahil sa pagsuntok niya sa punching bag. 

Nang sapat na ang kanyang pahinga, inayos niya ang kanyang sarili at muling kinuha ang kanyang jacket. Tapos na siya sa araw na 'yun. 

Matapos patayin ang mga solo, umalis na siya sa silid at maayos na sinaraduhan ang pintuan. 

"Madilim na pala." Puna niya ng makita ang paligid. 

Maliwanag naman ang buwan kaya hindi siya nag-aalala sa paligid. Kabisado niya ang lugar na 'yun at ang daan pabalik sa kanyang bahay. 

"Tatanggihan mo pa rin ba ako?" Tumigil si Beluria ng marinig ang isang boses. 

Nagtago siya sa isang puno at bahagyang sumilip sa pinagmulan ng boses. Bahagya niya lang nakita ang dalawang bulto dahil sa dilim. Hindi niya gustong makinig sa pag-uusap ng dalawa pero nakatayo sa daraanan niya ang mga ito. 

"Alam kong hindi mo matatanggihan ang katawang ito." Mapang-akit na sabi ng isang babae. "Lalaki ka rin at nangangailangan ng isang babae na magpapainit sa'yo sa malamig na gabi. Maaari mo akong gamitin para painitin ang iyong gabi." 

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon