Chapter 11

3.3K 156 3
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si Beluria kaya't napagpasyahan niyang bumangon kahit natutulog pa ang mga kasama niya. Hindi na siya nakauwi kagabi dahil ayaw siyang payagan ni Aling Liway. Maging ang pagprisenta ni Tikboy at Buyong na ihatid siya ay tinutulan ng matanda kaya dito na siya nagpalipas ng gabi. Kahit siksikan sa papag na higaan, naging maayos pa rin ang kanyang tulog.

Lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina. Uminom muna siya ng tubig bago lumabas ng bahay upang salubungin ang pagsikat ng araw. Nakagawian na niya ang bagay na iyon simula ng manirahan sa Purok.

Inunat ni Beluria ang dalawang kamay paitaas. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakangiti. Pagkatapos, ibinuka niya ang dalawang braso para hintayin na yumakap ang sikat ng araw sa kanyang katawan.

"Good morning, Sunshine!" Sigaw niya.

Minulat ni Beluria ang kanyang mga mata ng maramdaman ang sinag ng araw sa kanyang mukha. Napangiti siya dahil doon. Naniniwala siyang magiging maganda ang kanyang araw kapag ginagawa ang bagay na iyon.

Babalik na sana siya sa loob ng matanaw niyang may nakaupo sa ilalim ng mangga malapit sa bahay ni Aling Liway. Kinusot pa niya ang mga mata para luminaw ang paningin. Bahagya kasing lumabo 'yon habang nakatitig sa araw kanina.

Nakita niyang nakaupo si Mutual sa upuang kawayan habang sumisimsim sa hawak na tasa. Napagpasyahan niyang lumapit dito na agad napansin ng lalaki.

"Good morning, Mutual!" Masigla niyang bati habang nakangiti. Tanging tango lang ang sagot nito sa kanya.

"Kanina ka pa ba rito?" Tanong niya bago umupo sa katabi nito.

Tumango ito.

Katahimikan ang sunod na namagitan sa kanilang dalawa. Pasimple niya itong pinagmamasdan mula sa gilid ng kanyang mga mata. Prente lang itong nakaupo habang nakatingin sa tumataas na araw.

"Maganda 'di ba?" Tanong niya habang nakangiti. Nakatingin din siya sa sunrise. "Iyan ang tanawin na hindi ko pagsasawaan. Kahit araw-araw kong pagmasdan iyan, hindi ako nagsasawa. Hulaan mo kung bakit." Tumingin siya rito pero napanguso siya. "Hindi ka nga pala nagsasalita." Muli siyang tumingin sa sunrise. "Para sa akin mahalaga ang sunrise. Ito ang nagsisilbing bagong pag-asa ng mga sumusuko sa buhay. Bagong araw, bagong buhay. Habang may buhay, may pag-asa." Muli siyang tumingin kay Mutual pero nakalahad na ang tasa nito sa harapan niya. Naamoy niya ang aroma ng kape mula roon.

"Binibigay mo ba sa akin 'to?" Tanong niya.

Baka kasi inaalok lang siya nitong magkape kaya't pinakita nito ang sariling tasa sa kanya.

Tumango ito. Agad naman niyang kinuha ang tasa at humigop ng kape. Pinipigilan lang niya ang sarili kanina simula ng maamoy ang aroma ng kape.

"Ang sarap nito ah!" Sambit niya habang ninanamnam ang lasa nito.

Kanina pa niya gustong magkape ngunit nahihiya siyang makialam sa kusina ni Aling Liway. Hindi niya sigurado kung gising na ang mag-asawa pero wala naman siyang nakikita sa paligid maliban sa kanila ni Mutual. Sila pa lang yata ang na sa labas ng bahay.

Ilang higop ang ginawa ni Beluria dahil sa sarap ng kape. Black coffee ang laman ng tasa pero hindi niya alam kung bakit masarap ang timpla n'on. Ganoon din naman ang gamit niyang kape pero mas masarap ang iniinom niya ngayon. Hihigop pa sana siya pero napansin niyang nakikita na ang ilalim ng tasa.

"S-sorry. Naubos ko ang kape mo. Konti na lang ang natira," alanganin niyang ibinigay ang tasa kay Mutual. Tinanggap naman nito ang tasa at tiningnan ang laman.

"Papalitan ko sana, kaso malayo ang bahay ko." Paliwanag niya.

Nakita niyang bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito. Nagulat siya ng balewala nitong inubos ang laman ng tasa.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon