"Arc means Archelis, the sole heir of Monte Alegro family. Lord Archelis is one of the heads of Monte Alegro and Buencazino Organization or the MB Organization. But, he is known by everyone as… Lord A."
"Lord A."
"Lord A."
Nagpaulit-ulit sa pandinig ni Beluria ang sinabi ni Ellaine matapos nitong sabihin sa kanya ang nakakagimbal na rebelasyon at lumabas ng restroom.
Napahawak siya ng mahigpit sa sink corner.
Napapikit siya ng maramdaman ang kirot sa sentido. Too much informations. Hindi kinakaya ng utak niya ang pumasok na rebelasyon ngayong araw.
Muli siyang nagmulat ng mawala ang kirot.
Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Matagal na niyang pilit kinakalimutan ang tungkol sa kasunduan ng kanilang pamilya. Akala niya noon natapos na ang agreement dahil sa pag-atras niya pero, ngayon nauunawaan na niya ang mga sinasabi noon ni Archelos sa kanya.
Maling tao ang kinausap niya kaya hindi tuluyang naputol ang agreement. Napagkamalan niyang si Archelos ay si Arc na ipapakasal sa kanya. Dito niya sinabi ang desididong pag-atras. Maging ang sinasabi nitong makikita siya ng kanyang Ama sa Purok. Base na rin sa pag-uusap nila ng Ama noong nakakulong siya sa hacienda, nagtungo ito sa Purok. Kung ganoon siya ba ang sadya nito sa lugar na iyon?
Ang hindi niya kinayang rebelasyon ay si Lord A ang nakatakda niyang pakasalan. Ang tinakasan niya noon pero nakilala niya bilang Mutual. Sadyang mapaglaro ang tadhana. 'Yung pilit niyang iniiwasan na kasal noon ay maaaring mangyari ngayon.
From Mutual to Lord A… tapos ngayon Archelis Monte Alegro o kilala bilang Arc Monte Alegro. Lord A to Arc. Ngunit nararamdaman niyang may mas malalim pang kahulugan ang A nito.
Sa kabila ng mga nalaman, maraming tanong ang pumasok sa kanyang isipan.
Kilala ba siya ni Lord A?
May kinalaman ba ang kasunduang iyon sa pinapakita nitong galit sa kanya?
Si Serenity, ang babaeng lumuhod sa kanyang harapan para lang makiusap na umatras siya sa pagpapakasal sa nobyo nito, anong nangyari sa kanya? Nasaan na siya ngayon? Totoo bang namatay na ito? Sa anong dahilan?
Si Serenity ang laging pumapangalawa sa kanya sa academics at kahit anong kompetisyon na magkalaban sila. Ang bansag sa kanila ay anghel at demonyo. Syempre siya ang demonyo dahil mukha itong anghel. Pero, ang anghel na itinuturing ng lahat ay lumuhod sa harapan niya at nagmakaawa. Noong una pinagtabuyan niya ito dahil itinatak na sa isip niya ang kasunduang iyon. Wala siyang pakialam sa kahit ano maliban sa utos ng Ama pero, hindi niya nakayanan ang konsensya ng maalala ang luhaan nitong itsura habang nakaluhod. Ang anghel na laging nakangiti ay walang pakundangan lumuhod para sa minamahal nito. Nakakahanga ang pinapakita nitong lakas ng loob para ipaglaban ang taong mahal nito.
Pinuntahan niya ang babae at nagkasundo silang aatras siya sa agreement kapalit ng wala itong pagsasabihan kahit na sino. Sa unang pagkakataon ay sinuway niya ang Ama kahit alam niya ang mangyayari sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na nabalewala ang mga ginawa niya noon. Dati-rati iniisip niyang masaya na ang dalawa habang na sa malayo siya at hindi na magpapakita pero, hindi pa rin nagkatuluyan ang dalawa.
Napahawak siya sa dibdib. Bigla 'yung kumirot sa isiping magkakatuluyan ang dalawa.
Iba na ang sitwasyon ngayon. Marami ang nagbago, maging ang damdamin niya. Ang gusto niya lang ay maging payapa ang buhay ng lahat. Kasing payapa ng pamumuhay niya sa purok.
Huminga siya ng malalim at muling tumingin sa harapan ng salamin. Kay tagal na rin simula ng titigan niya ang sarili sa salamin.
Hindi na niya nakikita ang dating Beluria. Nawala ang Beluria'ng duwag at sunud-sunuran. Matatag ang mga mata, malamig at matalim ang tingin ng babaeng nakikita niya sa salamin. Ngunit may ibang imahe na nabubuo habang tumatagal ang pagtitig niya sa salamin.
BINABASA MO ANG
Lady HUNTER
ActionA personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent face? Will the untruth be revealed? Let's find out. **"Extreme emotion can awaken the demon."** Tagal...