"What's happening here?"
Biglang tumahimik ang buong paligid dahil sa malamig nitong boses. Parang ngayon lang naisip ni Beluria kung gaano kadelikado ang kanilang sitwasyon. Magkasabay nilang binitawan ang pisngi ni Archelos at bumaling sa nagsalita. Katapat lang ng kusina ang pintuan kaya agad niyang namukhaan ang lalaki pagpasok sa silid. Ito ang lalaking bumili ng lahat ng tinda nila kanina.
Nagtungo naman si Archelos sa kararating lang na lalaki at nagkubli sa likuran nito. Parang ginawa nitong shield ang lalaki laban sa kanila.
"Man, why did you bring them here? They are witches. They will be the cause of my early death." Tila bata nitong reklamo sa lalaki.
"That's good if it's true." Balewala nitong sagot bago naglakad patungo sa kusina.
Sumiksik naman sila ni Lena sa dingding ng dumaan ito sa harapan nila na animo'y natatakot mapansin ng lalaki.
"Why? Do you want me dead?" Tanong ni Archelos habang nakasunod sa lalaki.
"Obviously your enjoying their company." Sagot nito at diretsong umupo sa mesa na mayroon pa rin pagkain sa ibabaw.
"Hey, hey!" Pigil ni Archelos ng kukunin na nito ang plato ng pagkain. "Pretty Lena cooked this for me." Bahagya pang kumunot ang noo ng lalaki sa inasta nito.
Napansin naman niya ang malawak na ngiti at nagniningning na mga mata ni Lena.
"Pinagdadamot ni Archelos my loves ang niluto ko. Okay lang naman kung i-share niya sa yummy guy na 'yan, para mainlove sila sa luto ko." Bulong ni Lena. Impit pa itong tumawa na parang kinikilig sa dalawa.
Gusto sana niyang sabihin na inaasar lang ni Archelos ang lalaki pero, nanahimik na lang siya. Ayaw niyang masira ang imagination nito.
"I bought this food." Katwiran naman ng lalaki.
Kung hindi lang malamig at seryoso ang pagkakasabi nito, matatawa na siya dahil parang nakikipag-agawan ito ng laruan kay Archelos.
"Sinabi mo sa akin na food supply ko ito, kaya akin 'to. Umuwi ka sa inyo at doon ka kumain." Talagang tinotoo ni Archelos na hindi bigyan ng pinakbet ang lalaki. Kumuha ito ng kutsara at sa mismong plato ng gulay kumain habang nakangisi. Mukhang inaasar talaga nito ang lalaki.
Wala namang reaksyon ang lalaki sa ginawa ni Archelos at muling nakatuon ang paningin sa mesa.
Oh, sh't! Sambit ni Beluria sa isip ng kunin nito ang plastic ng paborito niyang pagkain.
Hindi niya napigilan ang sarili ng tatanggalin nito sa plastic ang bibingka.
"Hep!" Mabilis siyang lumapit at inagaw ang plastic dito. "A-akin kasi ito." Kinakabahan niyang sabi ng malamig siya nitong tingnan. Ang totoo kinilabutan siya sa uri ng tingin nito sa kanya.
Napansin niya ang pag-igting ng panga nito kaya umiwas siya ng tingin. Mas naramdaman tuloy niya ang panganib dahil sa pagkuha niya ng bibingka rito. Baka siya ang kainin nito ng buhay kaya binuksan niya ang plastic at kinuha ang kalahating bibingka na naroon. Hindi nakatingin niyang inabot dito ang bibingka. Nangangalay na ang braso niya hindi pa rin nito kinukuha iyon.
Tumingin siya rito pero, seryoso lang itong nakatingin sa kanya.
"Ayaw mo ba? Mabilis magbago ang isip ko." Mabilis naman nitong kinuha ang bibingka sa kamay niya at nagtungo sa living room.
Sinundan niya ito ng tingin at hindi pinansin ang nanunuring tingin sa kanya ni Archelos.
"Madaya ka. Binigyan mo siya ng pagkaing dala mo samantalang ako, hindi mo pinatikim." Sambit nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lady HUNTER
AçãoA personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent face? Will the untruth be revealed? Let's find out. **"Extreme emotion can awaken the demon."** Tagal...