Chapter 22

2.5K 150 5
                                    

Matalim na tingin ang pinupukol ni Lexie kay Leopard ng bumalik ito sa kubo. Maghapon siyang naghintay pero dumating ito na hindi kasama ang kinaiinisan niyang babae.

"Pinagloloko mo ba ako, Leopard? Nasaan ang babaeng 'yun?" Galit na tanong ni Lexie.

Ngumisi lang ang lalaki at prenteng umupo.

"Huwag kang mag-alala, kusa siyang pupunta rito." Kampante nitong sagot.

"Hindi niyo siya mahuli-huli tapos kusa siyang pupunta rito? Siraulo ka ba o pinapasakay mo lang ako? Tandaan mo Leopard, wala kang makukuha sa akin kapag hindi mo nadala sa harapan ko si Lady Hunter!"

"Madam, relax ka lang. Maniwala ka, darating siya." Kalmadong sagot ni Leopard.

"Paano mo masisiguro na darating siya?" Tanong naman ni Lucas.

"Pinuntirya ko ang alaga niya." Nakangisi nitong sagot. "Siguradong gaganti-" Natigilan sa pagsasalita si Leopard ng narinig nila ang malakas na pagbagsak.

"What's that?" Nagtatakang tanong ni Lexie. 

"I don't know." Sagot naman ni Lucas. 

Muli nilang narinig ang malakas na bagsak sa labas ng kubo. 

"Tingnan mo!" Utos ni Lexie kay Leopard. "Mga tauhan mo ang na sa labas. Baka kung anong mga katangahan ang ginagawa nila roon!" Dugtong nito. 

Sumunod si Leopard at lumabas sa kubo. Sumunod naman si Lexie at Lucas.

Malawak na ngumisi si Leopard ng makita ang hinihintay na babae. Hinayaan niya lang ang ilang tauhan na nakahiga sa lupa. Marahil iyon ang narinig nilang bumagsak kanina. 

Sumipol naman si Lucas ng makita ang itsura ni Beluria. Kahit natatakpan ng nakalugay na buhok ang mukha nito, bukas naman ang zipper ng suot nitong jacket. Kitang-kita ang flat nitong tiyan at magandang hita. Ngayon niya napatunayan ang kagandahang tinatago ng babae. 

"Welcome, Lady Hunter." Nakangising sabi ni Leopard. 

"Good job, Leopard." Nakangiting puri ni Lexie sa lalaki. 

"Sinasabi ko naman sa'yo, magtiwala ka lang. Binibitin mo kasi ako." Kinabig ni Leopard ang baywang ni Lexie at hinalikan ito sa labi. 

"Couz, huwag mong kalimutan ang pangako mo. Sa akin muna ang katawan niya." Nasasabik na paalala ni Lucas at nakangiting lumapit sa nakatayong babae. "Sh't! You're so hot, Lady Hunter. Nag-iinit agad ang katawan ko pagkakita pa lang sa'yo. Excited kang makilala ng alaga ko." Sambit ni Lucas ng pagmasdan sa malapit ang magandang katawan ni Beluria. Hindi naging hadlang ang mga galos ng dalaga para takpan ang perpektong hugis ng katawan nito. 

Hahawiin sana ni Lucas ang buhok na nakatabing sa mukha ni Beluria pero nagulat ito ng ngumisi ang dalaga at tumingin sa kanya. 

Napaatras si Lucas pero nahawakan ni Beluria ang braso nito at malakas hinila papalapit. Sinalubong ng tuhod ni Beluria ang pinagmamalaki nitong alaga. 

"F'ckingsh't!" Napaluhod si Lucas sapo ang nasaktang alaga sa pagitan ng mga hita. Naputol naman ang halikan ni Leopard at Lexie dahil sa daing ni Lucas. 

"D'mn you woman!" Muling sigaw ni Lucas sa nakatayong babae. 

Pareho namang nagulat si Lexie at Leopard ng malakas nitong sipain sa mukha si Lucas. Tuluyang nawalan ng malay ang lalaki. 

"Lucas!" Sigaw ni Lexie. 

"Anong tinatayo-tayo ninyo riyan? Hulihin nyo siya!" Utos ni Leopard sa mga tauhan. 

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon