Chapter 17

2.7K 123 1
                                    

Dalawang linggo ang lumipas, balik na sa normal ang buhay ni Beluria sa Purok. Napagpasyahan niyang mangaso kahit hindi araw ng kanilang pangangaso. Masyadong maganda ang araw para balewalain at tumambay lang sa bahay niya. Suot ang karaniwang hunter suit, bumaba siya sa bundok dala ang mga kagamitan sa pangangaso. Agad niyang nakita si Tikboy pagdating niya sa baba. Mukhang galing ito sa bayan dahil sa mga dala nitong plastic ng pagkain. 

"Beluria, mangangaso ka?" Tanong ni Tikboy ng makita siya.

"Oo." sagot niya. "May gusto bang sumama sa inyo?" Balik tanong niya sa kaibigan. 

"Naku, Beluria! May dumating na hindi inaasahang panauhin dito sa purok kaya hindi kami makakasama sa'yo." Malungkot nitong sabi.

"Sino ang dumating na panauhin?" Nagtataka niyang tanong habang sumasabay sa paglalakad ni Tikboy tungo sa tirahan ng mga ito. 

Sa buong taon ng pananatili niya sa Purok, ngayon lang nagkaroon ng panauhin sa lugar. Wala namang nagtangkang pumunta rito dahil sa layo ng lokasyon. Oo, maraming pasyalan at magandang lugar sa purok pero lahat ng iyon ay na sa gitna ng kagubatan at delikado para sa mga dayo. Tanging si Archelos lang ang nagtungo roon para pistihin siya pero ngayon panatag na siya dahil nakaalis na ang lalaki sa bayan.

"Ang pamilya ni Mr. Sigmund," sagot ni Tikboy. 

"Sina Lexie?" Gulat niyang tanong. 

"Oo. May nais silang malaman mula kay Itay." Sagot nito sa kanya.

Hindi na siya nakapagtanong ng natanaw niya ang kumpol ng mga tao sa punong mangga na malapit sa bahay nina Tikboy.

"Sige Beluria, mauuna na ako. Ibibigay ko lang kay Inay itong mga pinabili niyang meryenda."

Tumango lang siya kay Tikboy bilang sang-ayon habang ang paningin niya ay nakatutok pa rin sa kumpulan ng mga tao. Halos lahat ng taga-purok ay naroon.

Bahagyang lumapit si Beluria sa kumpulan upang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Mr. Sigmund, wala po talaga kaming ideya kung sino ang may-ari ng Purok." Narinig niyang sabi ni Ka Elias ng makalapit siya. 

"Kung ganoon Ka Elias, wala akong impormasyon na makukuha mula sa'yo," seryosong pahayag ni Mr. Sigmund.

"Paumanhin Mr. Sigmund, pero ang maibibigay ko lang po na impormasyon ay minsan na kaming pinapaalis ng dating may-ari sa purok sapagkat may kailangan gawin sa lugar na ito. Ngunit ilang taon na ang nakakaraan ay hindi na muling bumalik ang dating may-ari at wala kaming ideya na pinagbili pala niya ang lupaing ito." Muling paliwanag ni Ka Elias.

"O, siya! Hayaan mo na ang bagay na iyon pero, gusto ko sanang humingi ng iyong pahintulot bilang pinakamatandang naninirahan dito sa purok. Nais ko sanang ipasyal nyo ang aking panauhin sa lugar na ito." Paalam ni Mr. Sigmund kay Ka Elias. 

"Walang problema Mr. Sigmund. Sasamahan kayo ng aking mga anak at pamangkin." Sang-ayon ng matanda. 

"Maraming salamat Ka Elias, ngunit ang aking panauhin at anak lang ang makakasama sa pamamasyal. May gagawin pa ako sa bayan." 

Nakita ni Beluria ng tumayo si Mr. Sigmund, kaya napagpasyahan na rin niyang umalis upang mangaso. Na-curious lang siya kung anong meron doon kaya sandali siyang dumaan. 

"Buyong, tawagin mo si Tikboy at inyong samahan ang mga bisita sa pamamasyal." Narinig pa niya ang boses ni Ka Elias habang papalayo siya. 

"Opo, Tiyo!" 

"I want her to tour us around the place." May narinig si Beluria na panibagong boses. Hindi niya lang kilala kung kanino iyon. Hindi rin siya lumingon upang alamin kung sino ang nagsalita. 

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon