Maingat silang pumasok sa kagubatan. Maganda ang sikat ng araw sa labas ngunit hindi iyon nakatulong dahil sa taas at laki ng mga punong kahoy. Animo'y gabi sa loob ng kagubatan. Ito ang unang beses na dumayo sila sa gubat na ito dahil wala na silang mahuli sa dating pinupuntahan.
"Nakakakilabot naman sa lugar na 'to." Narinig ni Beluria na sabi ni Lena.
Na sa kaliwa ni Beluria si Lena habang balewalang naglalakad si Hit sa kanan niya. Panatag siya kapag kalmado si Hit dahil mas malakas at matalas ang pakiramdam nito kaysa kanila. Kahit sanay na sila sa dilim ng paligid, iba pa rin ang kakayahan ng isang hayop tulad ni Hit.
"Shhh!" Pagpapatahimik niya kay Lena.
Mas nararamdaman nila ang paligid kung walang magsasalita.
"Mag-dalawang grupo tayo." Suhestiyon ni Ka Jacinto na sinang-ayunan ng lahat.
Magkakasama sa isang grupo sina Beluria, Lena, Tikboy, Buyong at Mutual na nagtungo sa hilagang bahagi ng gubat habang sa timog naman ang grupo ni Ka Elias.
"Nakakatakot talaga rito. Parang may bigla na lang lalabas at lulunukin tayo ng buo," muling sabi ni Lena.
"Dapat hindi ka na sumama. Napakatigas kasi ng ulo mo," sagot ni Tikboy sa kapatid.
"Kasi kuya, gusto kong-"
"Gusto mong kasama si pareng Mutwal?" Panunudyong putol ni Buyong sa sasabihin ng pinsan.
Napalingon naman si Lena sa direksyon ni Mutual at bigla rin itong umiwas ng makitang nakatingin din si Mutual sa gawi nila.
"T-tumigil ka nga riyan," nahihiya nitong saway kay Buyong.
Nakangiti lang si Beluria habang pinapanood ang kulitan ng magpinsan pero nawala ang ngiti niya ng marinig ang ungol ni Hit.
Sinenyasan niyang tumigil ang mga kasama na siyang sinunod ng mga ito.
"We found our prey," mahina niyang sabi.
"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ni Lena.
"Maghanda kayo! May papalapit-" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng may biglang dumamba sa unahan nila dahilan ng kanilang pag-tilapon sa iba't-ibang direksyon.
"A-aray ko po!" Reklamo ni Buyong.
"Naloko na!" Sigaw naman ni Tikboy.
"Ang sakit ng balakang ko!" Reklamo rin ni Lena.
Muli namang tumayo si Beluria at hinimas ang nasaktang likuran na tumama sa katawan ng puno. Tiningnan niya ang dahilan ng kanilang pag-tilapon.
Natigilan siya.
"Totoo ba ang nakikita ko?" Gulat na tanong ni Lena ng makalapit sa katabi niya.
"Malamang Lena, kaharap na natin oh!" Sagot ni Buyong.
"P-pero ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalaking baboy ramo." Bakas sa boses nito ang kaba dahil sa mabangis na hayop sa harapan nila.
"Kakayanin ba natin 'yan?" Nag-aalinlangang tanong ni Tikboy. "Tingnan niyo ang pangil niya, kasing laki yata ng braso ko."
Tama si Tikboy. Masyadong malaki ang wild boar na ito kumpara sa hinuhuli nila dati.
Muling umungol si Hit. Nakita ni Beluria ang kahandaan ng alaga para umatake.
"Kailangan nating magplano," suhestiyon ni Buyong.
"Wala ng oras, papalapit na siya." Sagot ni Beluria at mabilis na kumuha ng arrow sa sukbit niyang quiver. Tinira niya ang papalapit na wild boar pero balewala lang dito ang pana niya.
BINABASA MO ANG
Lady HUNTER
ActionA personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent face? Will the untruth be revealed? Let's find out. **"Extreme emotion can awaken the demon."** Tagal...