Chapter 39

2.4K 109 0
                                    

"Natotomboy na yata ako sa'yo, Luna."

Natigilan si Beluria pero maya-maya kumawala ang malakas niyang tawa. Binitawan naman siya nito at umirap sa kanya.

"Tomboy ka na Bern? Hindi nga?" Mas lumakas ang tawa niya. Pakiramdam niya matutumba siya sa kinatatayuan dahil sa pagtawa.

"Bruha ka talaga, mapaihi ka sana." Mataray nitong sabi at umirap na naman sa kanya.

Tumigil si Beluria sa pagtawa at pinahid ang kanyang mga mata.

"Iyong totoo? Tomboy ka na ba?" Pang-aasar niya rito.

"Tse!" Umirap ito at tinalikuran siya.

Tumakbo siya papalapit dito at dinambahan ito sa likuran.

"Luna!" Saway nito ng muntik na itong natumba sa ginawa niya. Mabilis naman itong nakabalanse habang pasan siya sa likuran.

"Tomboy na si Bern!" Tumatawa niyang sabi.

"Baliw ka talaga. Paano kung natumba tayo at napahamak ka?" Naiinis nitong sabi pero may halong concern sa boses nito.

"Alam kong malakas ka dahil tomboy ka na." Pang-aasar niya rito. "Nag-transform ka na ba?"

"Tse!" Tumawa na naman siya. "Bumaba ka na. Mag-bibihis lang ako."

"Huwag na! Para mas feel ko ang pagkatomboy mo."

"Luna, isa!" Banta nito.

Tumatawa naman siyang bumaba. Kinuha nito ang Tshirt na nakasabit lang sa gilid ng kwadra at sinuot. Pinalitan din nito ang suot na bota ng isang pares ng tsinelas.

"Tara na. Sasamahan kita sa mayordoma." Nagpatiuna itong naglakad pero humabol siya at kumapit sa braso nito.

Ngumisi siya ng tumingin ito sa kanya. Umiling na lang ito pero hindi inalis ang hawak niya.

...

"Tama ang narinig ko kanina, napakaganda ng kasintahan mo, Iho." Sambit ni Aling Elya, ang mayordoma sa mansyon.

Napakamot na lang sa batok si Bern maging siya'y alanganin na ngumiti. Magkatabi sila sa upuan, kaharap si Aling Elya. Binigyan pa sila nito ng juice at slice ng cake habang nag-uusap sila.

Alam naman niyang maganda siya pero, hindi siya sanay na bukambibig iyon ng ibang tao. Naniniwala siyang may sariling kagandahan ang bawat isa.

"Akala namin, wala kang hilig sa babae dahil wala ka namang pinapansin sa kababaihan dito maging si Lady Arrielle pero, may tinatago ka pala." panunukso nito kay Bern.

Ang alanganin niyang ngiti ay napalitan ng malaking ngisi. Palihim naman siya nitong siniko.

"Mabilis po talagang kumalat ang balita rito sa Hacienda tungkol kay Luna."

"Aba'y kaganda naman ng pangalan mo. Bagay na bagay sa'yo."

"Beluria po talaga ang pangalan ko." Pagtatama niya. Naaalala niya si Alpha dahil sa pangalang iyon maging ang ginawa nito sa kanya.

"Luna na lang ang itatawag namin sa'yo. Mas maikli kaysa tunay mong pangalan."

Nag-usap pa sila tungkol sa magiging trabaho niya. Hindi naman mabigat dahil tutulong lang siya sa gawain sa loob ng mansyon. Kailangan lang daw nila ng dagdag na kasambahay dahil sa darating na wedding anniversary ng may-ari pero, pwede raw siyang manatili pagkatapos ng kasiyahan. Ibinigay rin nito ang magiging uniform niya na kahit hindi niya gusto ang style ay wala siyang magagawa. Long sleeve iyon na pinaresan ng below the knee skirt, may white headband pa at white apron. Kailangan din niyang magtungo sa mansyon bago mag alas-sais ng umaga.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon