Hindi namalayan ni Beluria ng umalis si Alpha sa loob ng silid. Natulala siya pagkatapos nitong halikan. Kakaiba ang naging dulot ng halik nito sa kanya. Hindi niya inaasahan ang reaksyon ng kanyang puso at katawan. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pagkasabi nito ng katagang iyon ay bigla na itong umalis. Hindi man lang hinintay na magsalita siya o kaya naman ay makakilos man lang.
Nanatili siyang nakayuko habang iniisip ang nangyari. Nalilito na rin siya sa nararamdaman. Pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng tadhana.
Na sa ganoon siyang posisyon ng muling naramdaman ang mabigat na presensya. Wala iyon sa loob ng silid kundi na sa isang direksyon. Tumingin siya roon at dahan-dahang lumapit.
Itinaas niya ang kamay at iniisip na hinahawakan niya ang mukha nito.
"Who are you?" Tanong niya kahit wala halos boses na lumalabas sa bibig niya.
Tumitig lang siya sa madilim na pader. Pakiramdam niya nakatingin rin ito sa kanya ngayon.
Gusto niyang malaman kung sino talaga si Alpha. Marami siyang gustong alamin pero, hindi niya alam kung saan magsisimula. Napaka-misteryoso ng pagkatao nito at gusto niyang masiguro ang katauhan nito.
May naramdaman siyang panibagong presensya sa direksyong iyon. Mabigat rin iyon pero hindi katulad ng nauna.
Binaba niya ang kamay pero nanatili siya sa pwesto.
Naramdaman niya na bumibigat ang mabigat ng presensya sa lugar na iyon. Tila napipigtas ang hininga niya dahil doon. Alam niyang may kakaiba at may mangyayaring hindi maganda.
Umalis ang unang presensya pero nanatili ang nahuli. Muli siyang tumitig sa madilim na pader. Lumalayo sa kanya ang huling presensya.
"Gideon." Sambit niya. Alam niyang kay Gideon ang huling presensya. Naramdaman niyang muli itong lumapit sa pader. Sinundan lang niya ng tingin ang direksyong tinatahak ng presensya kahit kadiliman lang ang nakikita niya.
Ngumiti siya.
Bahagyang gumaan ang mabigat nitong presensya. Parang nakahinga ito ng maluwag sa hindi malamang dahilan.
"Gideon." Muli niyang sambit.
Nararamdaman niyang may masamang mangyayari ngunit, wala siyang ideya kung ano iyon.
"Whatever happens, please take care of the people in Purok." Kahit ano pa ang mangyari sa kanya basta na sa mabuting kalagayan ang mga tao sa purok, ayos na sa kanya.
"Thank you." Tinalikuran na niya ang pader kahit hindi niya sigurado kung pumapayag ba ito.
Sana pumayag ito sa hiling niya.
...
Biglang bumangon si Beluria dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. Hinilamos niya ang kamay sa mukha bago tumingin sa may kagagawan ng pagkagising niya.
Kumunot ang noo niya ng makitang maliwanag ang silid na kinaroroonan niya. Nakatali ang kanyang mga paa sa magkabilang dulo ng higaan. Aalisin sana niya iyon dahil wala namang gapos ang kanyang mga kamay pero, napatigil siya ng maramdaman ang hampas sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Lady HUNTER
ActionA personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent face? Will the untruth be revealed? Let's find out. **"Extreme emotion can awaken the demon."** Tagal...