Chapter 27

2.6K 137 13
                                    

Walang ideya si Beluria kung gaano katagal siyang nanatiling nakahiga sa lupa pagkaalis ni Alpha. Narinig na lang niya ang mga yabag at sigaw papalapit sa pwesto niya. 

"Beluria,"

Iniisip niya pa rin kung ano ang ibig sabihin ni Alpha.

"Beluria,"

May nalalaman ba ito tungkol sa pagkatao ni Mutual?

"Beluria!" Napabangon siya dahil sa sigaw ni Lena.

Tiningnan niya ang mga nakapalibot sa kanya.

Si Tikboy, Buyong, Lena, at mga kambal nitong pinsan ang na sa paligid niya. Lahat ay nagpapahiwatig ng pag-aalala sa itsura.

Napangiti si Beluria. Gumaan ang loob niya dahil sa nakikitang pag-aalala ng mga ito.

"Ano ba Beluria? Huwag kang ngumiti lang diyan! Tinatanong kita kung ayos ka lang!" Bumalik ang tingin niya kay Lena na hindi maunawaan ang itsura kung galit ba ito o nag-aalala lang.

Ngumiti siya sa kaibigan at bigla itong niyakap.

"B-beluria-"

"Salamat Lena." putol niya sa sasabihin ng kaibigan.

Humiwalay siya ng yakap dito at tumayo.

Pinagmasdan niya ang mga na sa paligid.

"Maraming salamat sa inyo. Pasensya na rin kung pinag-alala ko kayo pero, ayos lang ako. Nagpapahangin lang." Parang nakahinga naman ng maluwag ang mga ito dahil sa kanyang sinabi.

"Salamat naman at walang nangyaring masama sa'yo." Nakangiting pahayag ni Tikboy.

"Nag-aalala talaga kami sa'yo, Beluria. Hindi ka kasi namin makita sa paligid. Kung saan-saan kami naghahanap, nandito ka lang pala" Sambit naman ni Buyong.

"Bakit dito ka nakahiga sa lupa? Mas magandang humiga roon sa lilim ng puno. May maliit na damo sa lugar na iyon." Turo ni Siyo sa paborito niyang tambayan.

Umiling lang siya. Hindi niya maaaring sabihin ang tungkol sa pagkikita nila ni Alpha. Siguradong mas lalong mag-aalala ang mga ito.

"Umuwi na tayo. Magluluto si Inay ng masasarap na putahe ngayon." Masayang sabi ni Lena at kinawit ang kamay sa braso niya.

"Anong meron ngayon, Ate Lena?" Curious na tanong ni Miyo habang naglalakad sila pabalik sa purok.

"Maagang naubos ang panindang gulay ni Inay sa palengke, tapos kaarawan pa ni Jes ngayon." Si Jes ang bunsong kapatid ng mga ito. Lima ang mga anak nina Aling Liway at Ka Elias. Dalawang lalaki at tatlong babae. 

"Nakalimutan kong kaarawan pala ni Jes. Siyam na taong gulang na siya at malapit ng mag-binata. Pwede na siyang mag-patuli." Natatawang sabi ni Miyo. Tumingin ito ng makahulugan sa mga pinsan.

Nakakaunawa namang ngumiti ang mga lalaki.

"Ang mahuli mauubusan ng pansit!" Pagkasabi noon ni Buyong, nag-uunahang tumakbo ang mga lalaki patungo sa purok.

Napangiti na lang siya sa kakulitan ng mga ito habang umiiling si Lena.

"Siguradong kukulangin ang dalawang kilong pansit ni Inay dahil sa mga 'yun."

Ngumiti lang siya kay Lena pero dumako ang paningin niya sa hindi kalayuang puno. Ramdam niyang may nagmamasid sa kanila mula sa gawing iyon.

"Anong tinitingnan mo?" Lumingon si Lena sa tinitingnan niya.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon