Chapter 35

2.3K 92 1
                                    

"M-mutual?" Nauutal na sambit ni Beluria sa pangalan ng lalaking kararating lamang. 

Nakatingin ito sa kanya na parang hindi siya kilala. Walang emosyong makikita sa mga mata nito tulad ng dati pero, kakaiba ito ngayon. Hindi niya maramdaman na ito ang Mutual na kilala niya. 

"The main audience is here!" Masayang anunsyo ni Lexie habang nakatingin sa kanya. Halatang nasisiyahan ito sa nangyayari. 

Muling ipinulupot ni Lexie ang dalawang braso sa batok ni Mutual at inilapat ang labi rito. 

Hindi makapaniwala si Beluria sa nasaksihan. Hindi niya kayang tingnan ang nangyayari. Kakaiba na naman ang kanyang nararamdaman, parang hinihiwa ang kanyang puso sa nasasaksihan. Mas masakit ang nararamdaman niya ngayon kaysa mga sugat ng latigo sa kanyang katawan. Sobrang sakit kaysa mahapding gapos sa kanyang mga kamay. Ibang sakit ang pinaparamdam nito sa kanya kaysa kay Lexie na walang ibang ginawa kundi lagyan ng sugat ang katawan niya. 

"Oh, Sweety! I can't get enough with your kisses. Let me kiss you again," Muli itong hinalikan ni Lexie sa harapan niya.

Umiwas ng tingin si Beluria pero muling nagawi ang kanyang paningin sa lalaking kanina pa bored na pinapanood ang mga nangyayari. Isang lalaki na hindi niya alam kung sino, ngunit kasama ito sa grupo ni Lexie. Wala itong ginagawa kundi manood lang. 

"Sweety, can you do me a favor?" Malambing na boses ni Lexie ang muling kumuha sa kanyang atensyon kaya muli siyang lumingon sa direksyon ng mga ito. "Can you cut her face for me?" Nakangiti nitong inilahad ang hawak na patalim kay Mutual.

'No!' sigaw ni Beluria sa kanyang isip. 

Nagbabaka-sakaling hindi nito gagawin ang iniutos ng babae. Umaasa siyang hindi siya nito sasaktan. Ngunit ang lahat ng 'yon ay naglaho ng walang pag-aalinlangan nitong tinanggap ang patalim.

'Bakit Mutual?' Gusto niyang isatinig ang tanong na iyon pero natatakot siya na kapag bumuka ang kanyang bibig ay hindi ang salitang iyon ang lumabas kundi ang pinipigilan niyang iyak. Mariin niyang pinagdikit ang mga ngipin para lang pigilan na kumawala ang kanyang hikbi. 

Hindi inalis ni Beluria ang tingin dito habang humahakbang ito papalapit kung saan siya nakatali. Walang makikitang emosyon sa mga mata nito. Ibang-iba ito sa lalaking nakasama niya sa Purok. Nakatitig pa rin ito sa kanya maging siya'y ganoon din hanggang makalapit ito sa pwesto niya.

"M-mutual," Hindi niya napigilan ang mga luhang kanina pa gustong umagos mula sa kanyang mga mata. 

She felt betrayed. 

Hindi niya inaasahan na gagawin ito sa kanya ng lalaking natutunan niyang pahalagahan at pagkatiwalaan. Kahit itinuturing itong estranghero sa kanilang lugar, pinagkatiwalaan pa rin ito ng puso niya.

Ayaw niyang makita nito ang kanyang mga luha kaya't tumungo siya. Dahil sa kanilang distansya, sumandal ang kanyang noo sa dibdib nito. Naramdaman niyang bahagya itong natigilan pero hindi siya sigurado sa bagay na iyon. Masyadong okupado ng sakit ang damdamin niya. 

"B-bakit?" Pumipiyok ang boses ni Beluria. 

Naalala niya noong unang beses siya nitong iniligtas sa boar habang nakasakay kay Hit. Pagkatapos, magkatulong nilang pinabagsak ang mabangis na hayop. Kahit hindi niya aminin sa kanyang sarili, nagtitiwala na siya rito simula noon. 

Pumasok din sa kanyang isip ang ginawa nito kapag tinatakasan niya si Archelos. Kinukubli siya nito gamit ang sariling katawan at sinagip siya nito sa ilalim ng tubig. Naalala niya rin ang ngiting ibinigay nito sa kanya bago sila pumasok sa kweba. Ang paggaan ng kanyang pakiramdam sa gitna ng kadiliman dahil sa presensya nito. Ang pagpasan niya sa likuran nito para hindi siya mahirapan sa paglalakad. Magkasama rin nilang tinakasan ang mga tauhan ni Alpha.

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon