Chapter 21

2.5K 122 0
                                    

"M-mutual." Bulong ni Beluria sa pangalan nito.

"Mutual, andiyan ka pala. Kailangan ng tulong ni Beluria." Saka pa lang naghiwalay ang tingin nila sa isa't-isa dahil sa boses ni Tikboy. "Tatawagin ko lang ang ibang kalalakihan sa kabilang bahay." Paalam nito sa kanila.

Unang lumabas ng bahay si Tikboy. Sumunod naman si Beluria at nilampasan si Mutual pero napatigil siya ng mabilis harangan ni Mutual ang daraanan niya.

"Mutual, nagmamadali ako. Baka kung anong mangyari kay Hit sa kagubatan. Pwede bang umalis-"

Napatigil siya sa pagsasalita ng dumampi ang isang basang panyo sa mukha niya. Hindi niya alam kung saan nakuha ni Mutual ang panyo. Marahil dala na nito iyon bago pa pumunta roon. 

Marahan nitong pinupunasan ang mukha niya. Pagkatapos, kinuha nito ang braso niya. Inaalis nito ang mga mantsa ng dugo sa katawan niya. Nang matapos sa magkabila niyang braso, bahagya itong lumuhod at dinampi ang panyo sa tiyan niya.

Nailang naman siya sa ginawa ni Mutual kaya pinigilan niya ang kamay nito. Tumingin ito sa kanya na may nagtatanong na itsura. 

"A-ako na." Nahihiya niyang sabi. 

Hindi siya nahihiya kahit nakita nito ang halos walang saplot niyang katawan. Confident siya na nasa tamang pwesto ang hubog ng katawan niya. May abs pa siya sa tiyan na kinaiingitan ng mga dating kasamahan sa sports pero, hindi siya naroon para ipakita ang magandang hubog ng katawan dito. Nahihiya siya dahil sa ginagawa nito. Pakiramdam niya tumititig ito sa katawan niya kahit hindi naman. Balewala lang naman nitong pinupunasan ang bahid ng dugo sa balat niya. 

Marahang inalis ni Mutual ang pagkakahawak niya sa kamay nito at pinagpatuloy ang ginagawa.

"M-mutual, kaya ko ng gawin 'yan. Isa pa, wala na akong oras para linisin ang aking katawan. Mas kailangan ako ni Hit ngayon. Mamaya ko na lang gagawin 'yan kapag nadala na si Hit dito." Pigil niya rito ng bumaba sa kanyang hita ang pagpupunas nito ng panyo. Hindi siya nito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. 

Pakiramdam niya uminit ang kanyang mukha dahil sa ginagawa nito.

"Ouch!" Bigla niyang inilayo ang paa ng maramdaman ang hapdi ng lumapat ang panyo ni Mutual sa binti niya.

Tiningnan niya iyon at nakita ang hiwa sa kaliwang binti. Alam niyang may sugat siya roon pero hindi niya inaasahan na malaki iyon.

"O-okay na 'yan. Mamaya ko na lang lilinisin." Sambit niya kay Mutual. 

Hindi pa ito tumatayo kaya nagtaka siya ng muli itong kumuha ng panyo sa bulsa. Hindi niya ito napigilan ng balutan nito ng panibagong panyo ang sugat niya.

"Salamat." Sabi na lang niya ng tumayo ito.

Wala itong reaksyon at muling tiningnan ang buo niyang katawan. Wala sa sarili naman niyang niyakap ang katawan dahil bigla siyang nilamig sa titig nito.

Umiwas ng tingin si Mutual sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang muling pag-igting ng panga nito.

Nagtaka si Belulia ng hubarin nito ang suot na jacket. Nasagot lang ang kanyang pagtataka ng binalot nito sa kanya ang jacket bago sumunod kay Tikboy.

Pinagmasdan niya lang ang malapad nitong likuran papalayo na tanging sandong puti ang suot.

Inayos ni Beluria ang suot na jacket na umabot hanggang tuhod niya. Sinara niya ang zipper noon sa unahan bago sumunod sa mga ito pero, napatigil siya at wala sa sariling lumingon sa isang bahay.

Natanaw niyang naroon si Sura at masamang nakatingin sa kanya bago saraduhan ang bintana. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Baka nagagalit pa rin ito sa ginawa niyang pagsampal dito. 

Lady HUNTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon