Payapa at masarap ang tulog ni Beluria kaya hindi niya inaasahan na makarating sa lugar na pinapangarap niya. Ang lugar na puno ng mga paborito niyang pagkain.
"Hmm… my dreamland. Pure of sweets, yummy chocolates and candies. Wow, this is heaven! I want to live here." Bulalas niya habang masayang pinagmamasdan ang tore na gawa sa chocolate. Napapalibutan iyon ng mga candy at sari-saring mouthwatering kind of sweets.
Lumapit si Beluria sa isang human size choco pop sa tabi ng tore. Kumagat siya roon.
"Wow, it's real! Oh, my! Thank you heaven. This is wonderful!" Naluluha niyang sabi dahil sa sobrang kasiyahan.
Muli sanang kakagat si Beluria sa malaking choco pop ng bigla itong dilaan ni Hit.
"Find your own, Hit. Huwag kang sumalo sa akin. Marami sa paligid." Saway niya sa alaga.
Kahit mahal niya si Hit, hindi siya papayag na may kahati sa choco pop niya. Gusto na niyang tumira kapiling nito kaya mahigpit niya itong niyakap.
Lumapit naman sa kanya si Hit at dinilaan ang kanyang mukha.
"Hit, don't be stubborn. Let me eat in peace." Muli niyang saway rito, ngunit patuloy lang ito sa pagdila sa mukha niya.
Naramdaman ni Beluria ang bahagyang pagyanig sa lugar. Nakita niya ang unti-unting paglalaho ng mala-tsokolateng paligid.
"What happened?" Nagtataka niyang tanong.
Tumakbo pa siya upang habulin ang natitirang choco pop pero tuluyan itong naglaho.
…
Ungol ni Hit ang gumising sa diwa ni Beluria pero hindi siya nagmulat ng mga mata. Gusto pa niyang matuloy ang masarap na panaginip. Ayaw pa niyang magising.
"Hit, don't disturb me. Please, let me sleep again." Humikab pa siya at umayos ng pwesto.
Naramdaman ni Beluria ang dila ni Hit sa mukha niya. Si Hit ang nagsisilbing alarm clock niya tuwing umaga. Palagi siya nitong ginigising pero ngayon gusto pa niyang matulog. "Come here, I want to hug you baby." Ungol niya habang nakapikit at mahigpit itong niyakap.
Narinig pa niya ang ungol ni Hit bago muling nakatulog.
...
Muling nagising si Beluria ng marinig ang ingay sa paligid, pero hindi niya maunawaan ang mga sinasabi nito.
Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata para malaman kung ano ang nangyayari.
"Beluria!!!"
Nabigla siya sa boses ni Lena kaya agad niyang hinanap kung nasaan ito.
Nakatayo ito sa may pintuan ng kwarto niya.
'Paano ito nakapasok?' Tanong niya sa kanyang isip.
"Lena, ang aga mo naman pumunta rito? Inaantok pa 'ko e!" Reklamo niya at muling bumalik sa dating pwesto bago pumikit. Komportable siya sa pwestong iyon. Kaya siguro naging masarap ang tulog niya. Nakarating pa siya sa kanyang dreamland kahit naudlot iyon dahil kay Hit.
"Anong maaga? Alas dyes na. Kaya bumangon ka na riyan!" Hindi ito pinansin ni Beluria.
"Maawa ka naman kay Mutual," Wala naman gagawin si Mutual ngayon, kaya makakapagpahinga rin 'yun ng maayos. Sagot ni Beluria sa kanyang isip.
"Hindi na siya komportable sa pagkakahiga niya," Pwede naman bumangon si Mutual, basta siya matutulog pa.
"Kanina ka pa yata nakadagan sa kanya o baka simula pa kagabi? Ikaw Beluria ah, pasimple ka rin e." Bakit naman siya dadagan kay Mutual?
BINABASA MO ANG
Lady HUNTER
ActionA personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent face? Will the untruth be revealed? Let's find out. **"Extreme emotion can awaken the demon."** Tagal...