[CHAPTER ONE]
THALIA'S POV
Yeah...back then everything was normal, Not until one day.. everything change.
Sisimulan ko sa kong pa'no 'to nag-umpisa.
Hindi kami mayaman, pero hindi din kami mahirap. Bankrupt na ang business namin ngayon kaya kailangan ko talagang maghanap ng trabaho. Ang nag-iisang negosyo na pinag-kukunan namin ng mga pangangailan ay tuluyan ng nawala sa pamilya namin. Lubog na din kami sa utang dahil sa mga bayarin.
Napa balikwas ako nang tumunog ng malakas ang alarm ko. Panira talaga nang tulog ko kahit kaylan! Bakit kasi ang lakas ng tunog! Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang naiinis sa tunog ng alarm. Kinapa ko 'to sa side table at hindi na nagdalawang-isip na ihagis 'to. Hayyy...naka-hinga naman ako nang maluwag dahil tumahimik na nga. Isinubsob ko ulit sa unan ang ulo ko. Ang sarap talaga matulog!! Gugustuhin ko na dito nalang palagi sa bahay para matulog—wait....
Agad akong napa-upo sa kama nang may ma-alala. Lunes ba ngayon?? Ughhh!!! Bakit ngayon ko lang na-alala?!!
"Ughhh!!! Gusto ko pa na matulog ulit!"
Kahit gustohin ko man ay wala na akong nagawa kundi ang bumangon na. Napatingin ako sa alarm clock ko na basag na. Bigla akong natauhan at napatakbo sa banyo. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis.
"Bakit walang gumising sa'kin?! Huhuhuhu late na naman ako!!"
Agad ko nalang na kinuha ang toothbrush at nag sepelyo na. Pagkatapos ay tinungo ko ang shower at agad ng naligo. Hindi ko na kailangang magtagal dahil baka mas lalo pa akong ma late nito. Putting some lotion on my body and then tossing a plain white t-shirt and black jeans with my best-up sneakers. Pagkatapos ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kusina. Muntik pa akong mapatalon dahil sa gulat ng makita si mom na nag ka-kape.
"Mom!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Nagulat ba kita?" Lumagok pa siya sa kape niya. "Coffee?" Pang-aaya niya sa'kin.
Napahawak naman ako sa ulo ko. "Mom, muntik na akong atakihin sa gulat, tapos pa-painom mo pa 'ko nang kape??" Hindi maka paniwala kong tanong sa kanya.
Inilapag niya naman ang mug niya sa mesa. "Bakit ka ba kasi nag mamadali, ha??"
Agad ko naman na na-alala na may trabaho pa pala ako ngayon. Napatingin ako sa relo ko at napabuntong hininga. Lagot, late na ako. "Bakit hindi niyo kasi ako ginising ng maaga?? I'm late now."
"Hindi ka ba nagising ng alarm clock mo?" Tinawanan niya pa ako. "Papasok ka na
ba—""You know I hate those stuff mom!" I rolled my eyes on her. "I need to go na, mom—"
"Bakit hindi ka nakasuot ng uniporme mo?"
"Mom, hindi ako papasok sa school—"
"Thalia!" Saway niya sa'kin.
Nilapitan ko naman siya at hinawakan sa kamay para pakalmahin. "Mom, alam mo naman na mas kailangan natin ng pera ngayon—"
"Gumagawa naman kami nang paraan ng dad—"
"Mom, alam ko," ngumiti ako sa kanya. "Alam kong gumagawa kayo nang paraan para bumalik sa dati ang buhay natin. Pero ayokong makita na nahihirapan kayo." Matanda na din sila para makaya pa ang mag trabaho. "And I'm not a kid anymore, mom. Kaya ko nang mag trabaho para sa inyo, hayaan niyo at ibabalik ko din ang buhay natin katulad ng dati." Kumbinsi ko sa kanya. "Aalis na ako, bye, mom." And I kiss her cheeks.
BINABASA MO ANG
Sold To The Billionaire (Billionaire Series #1)[COMPLETED]✓(UNDER REVISION)
Romance|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #1 Started: February 16, 2021 End: March 13, 2021 Living her life peacefully not until the news came. Gulat na gulat si Thalia ng malaman na ibenenta siya ng pamilya niya just to save their fucking lives. T...