[CHAPTER TWENTY-FOUR]
"Manang nasaan po si Vaughn?"
Tanong ko ng makababa. Sa tagal kong pamamalagi sa bahay na Ito. Alam ko na din sa wakas kong paano lumabas at pumasok. Minsan Kasi sumasama ako kila Manang, Suzie or Melanie na magbinyag ng mga halaman. Wala din naman akong ginagawa kaya bakit ako magkukulong sa kwarto at hihintayin siyang kainin na naman ako??
"Kanina nakita ko siya hija. Pero hindi ko alam kung saan pumunta" sagot niya.
Patuloy Lang na namumunas ng mga Plato. Napatango nalang ako. Siguro ay hahanapin ko nalang??
"Okay manang. Tatanongin ko nalang sila Suzie at Melanie baka nakita nila"
"Mabuti pa nga hija. Hindi ko Kasi natanong si Ruan kanina. At teka nga nahahalata ko na ang Saya mo ata ngayon. Anong meron?"
Ngumiti nalang ako sa kaniya ng malapad dahil sa pag uusisa niya. Hindi siya siguro matandaan dahil matanda na siya. Pero baka dahil busy siya kaya nalimutan niya.
"Hindi niyo po ba natatandaan na kaarawan ngayon ni Vaughn??"
Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na napabitaw sa platong pinupunasan niya.
"Nako hija! Anong petsa ngayon??"
Natawa nalang ako. Kahit ang date ngayong araw ay hindi niya matandaan. Nako Naman. Kung nandito si Vaughn baka magtampo yon dahil hindi ni manang maalala na kaarawan niya ngayon.
"May 24 po"
Habang nasa kwarto niya Kasi ako kahapon ay nangulo ako sa kwarto niya HAHAHA. Wala naman siya eh. At wala din akong ginagawa kaya namukad ako ng mga gamit niya. At doon ko natagpuan ang isang diary. Nagulat pa nga ako at hindi makapaniwala dahil ang isang Ruan Vaughn Fortenerro may diary?? At nakita ko din ang blueprint ng bahay niya kaya kahit na ang tumakas ay magagawa ko na AHHAHA.
"Nakooo! Bakit nakalimutan ko ang araw na Ito??" Natataranta pang Sabi niya.
"Wag po kayong mag alala dahil tutulungan ko kayo sa paghahanda"
"Nako salamat hija, oh sia hanapin mo na siya at ako'y magluluto na ng handa"
Nagpasalamat nalang ako sa kaniya at agad ng umalis sa kusina. Pero hindi parin ako makapaniwala na may diary siya. AHAAH nakakatuwa lang na may tinatago din pala ang isang yon. Una kong nabasa ay ang tungkol sa sarili niya. Lahat ng bagay na related sa kaniya. Kung anong paborito niyang kulay, pagkain, damit, sapatos etc. Lahat ng tungkol sa kaniya. Kahit birthday or name ng parents niya. Kaya ng mabasa kong ngayon ang birthday niya ay agad na akong naghanda. Kaya naisipan ko ngayon na puntahan siya para ako ang unang bumati sa kaniya. Mamaya ko na iisipin kong anong ireregalo ko hihihi.
Pero napatigil ako ng nakita siyang may kasamang mataas na babae. Nag uusap sila kaya mas nilapitan ko pa para nadinig ko kung ano yon. Nakakapagtaka naman na dito sila sa labas nag uusap. Bakit hindi niya pinapasok?
Nakita kong inabot ng babae ang dala niyang paper bag kay Vaughn. Pero nagulat ako ng bigla niyang halikan si Vaughn sa labi!! Walanghiya!! Nandito kaya ako!!
"Happy birthday.." nakangiting bati niya.
Bigla kong naikuyom ang kamay ko dahil sa pag pipigil ng inis. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Damn!! Hindi ko alam pero bigla nalang sumiklab ang galit sa akin ng hinalikan niya si Vaughn sa labi. At putangess!! Ang hinayopak namang si Vaughn ay hinayaan niya lang halikan siya ng babaeng yon!! Urghhh!! Nagtatangis na ang bagang ko dahil sa pag pipigil na sugurin sila. I gritted my teeth at ramdam ko ang mabilis na hininga ko. Kulang nalang ay umusok ang ilong ko dahil sa galit!
BINABASA MO ANG
Sold To The Billionaire (Billionaire Series #1)[COMPLETED]✓(UNDER REVISION)
Romance|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #1 Started: February 16, 2021 End: March 13, 2021 Living her life peacefully not until the news came. Gulat na gulat si Thalia ng malaman na ibenenta siya ng pamilya niya just to save their fucking lives. T...