CHAPTER 4: Ikaapat Na Benta

21K 682 26
                                    



[CHAPTER FOUR]






Nakanganga naman ako nang makita ang isang malaking bahay, or should I say mansion. Wohh! So, talagang sinasampal niya sa'kin na mayaman talaga siya?

"You may come inside, Mrs. Fortenerro." Pang-aasar niya ulit sa'kin.

"Don't call me, Mrs. Fortenerro! May pangalan ako at Thalia yon!" inis na baling ko sa kanya.

"But it required to call you that because you will marrying Vaughn—"

"Hindi nga 'ko mag papakasal sa kanya!"

"Let see, then." Parang sigurado niya pang sabi. "Okay. Naihatid na din naman kita, so, need to go, nice meeting you Mrs.
Fortenerro—Thalia." at tumawa pa 'to, sinasadya talaga.

"Ano? Bakit ka a-alis??" Pagtataka ko naman na tanong sa kanya. "Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa loob??"

"I have something to do. Naihatid na din naman kita so, I think I should go."

"Pero, hindi ko alam—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pinaharurot na niya ang kotse. Ughhh!! Walang kwenta!! Hinayaan ba naman ako dito?? At bakit kasi dito niya pa ako dinala sa mansion ng lalaking 'yon?? Mag-uusap lang naman kami ah?! Pwedi namang sa resto o 'di kaya sa coffee shop. Hindi ko pa naman alam kong nasaan ang lalaking 'yon!

Hindi na ako mag tataka kong maligaw ako sa malaking mansion na 'to. Wala man lang may sumalubong sa'kin? Talagang pa-pahirapan pa ako nang lalaking 'yon, 'no?

Katulad nga nang ini-isip ko kanina...naligaw nga ako. Hindi ko na alam kong saan ba 'ko papasok sa daming pinto na pag-pipilian. Damn this house!!! At wala man lang katao-tao? Pa'no ko siya nito mahahanap?? Goshh!! Ilang oras na 'kong paikot-ikot lang dito sa loob. Pakiramdam ko tuloy parang nasa isang malaking maze ako. Napadaan ako sa isang malawak na Hardin. Ang ganda naman. There's a different kind of flowers. Napa-upo naman ako sa bench na nandito. Aishh!! Sumasakit na ang paa ko kaya kailangan ko din na mag pahinga, 'noh! Hinubad ko nalang muna ang heels ko. Haaa! Namumula na nga 'to. Napalingon-lingon naman ako sa buong paligid at nag babaka-sakali na may isang tao na dumaan para pwedi kong pag tanongan. Pero kahit anino nang mga tao dito, wala!
Ang init na at namamawis na ako, dagdagan pa nitong suot ko, tsk. Kong alam ko lang na magiging ganito ang pag punta ko dito, hindi na sana ako pumunta. Pero agad kong naalala ang dahilan kong bakit ako nandito ngayon.

Ughhh!!!

Ang laki-laki at ang lawak-lawak ng bahay na'to tapos wala man lang kahit isang tao??

"Miss??"

"Ay, hatdog na pinalaman sa tinapay!! Ano ba?!" Gulat na sigaw ko.

"Don't shout at me."

Napalingon naman ako. Ang sinag ng araw ay nakatama sa mukha niya. Magulo pa ang buhok nito habang nakatingin sa'kin ng deretso. Ayy ang gwapo niya!! Umi-igting na 'yong panga niya. Yung mata niya nakatuon lang sa'kin, kaya napa-ayos naman ako nang upo at kinuha ang heels ko para isuot na.

"S-Sorry. Nagulat kasi ako—"

"Follow me."

"Ha?? Saan?"

"Vaughn wants to see you."

Napatayo naman ako at nag kruss ng braso. "Mabuti naman at naisip niya na ipahanap ako, 'no?" Mataray na sabi ko.

Hindi naman siya kumibo at patuloy lang sa pag-lalakad. Sumunod na lang ako sa kanya. Nagtataka naman ako kung bakit ang dali lang sa kanya na tandaan ang daan. Eh, ang lawak-lawak nito. Sumasakit na nga ang ulo ko. Damn. Pero siguro ay nasanay na siya, tauhan siya dito, eh.

Sold To The Billionaire (Billionaire Series #1)[COMPLETED]✓(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon