CHAPTER 2: Pangalawang Benta

24.9K 686 15
                                    

[CHAPTER TWO]




"Hoy! Hoy! Hoy!" Nag mamadali na tawag sa'kin ni Abby. "Ano 'yon ha?! Nakita ko 'yon, ack! Wag ka nang mag sinungaling."

"Nakita mo naman pala, eh. Bakit ka pa nag tatanong??" Agad kong inilapag ang gamit ko at hinubad na ang apron na suot ko.

"Bakit may ganon, ha??" Pang aasar niya pa. "Para sa'n 'yon? Bakit parang ang intense nang titigan niyong dalawa? May gusto—"

"Shut up, Abby! Kahit ako hindi ko din maintindihan ang sarili ko." kibit balikat na sabi ko. "Bumalik ka na sa trabaho mo." pag tataboy ko sa kanya.

Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Damn!! This is weird!

"Hindi ko nga kilala kong sino 'yon—"

Napatigil naman ako sa pag sa-salita nang mabilis siyang lumapit sa'kin at hinampas ako.

"Aray! Para sa'n naman 'yon?!" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Gaga! Hindi mo ba talaga kilala kong sino siya?!" Gulat naman na tanong niya. Namimilog pa ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Parang nagulat din dahil sa nasabi ko. Ano ba ang nakaka-gulat sa sinabi ko?? Eh, totoo naman na hindi ko kilala ang lalaking 'yon.

"S-Seryoso??" Nauutal n'ya pa na tanong. "Seryoso ka talaga sa sinabi mo??"

Nagtaka naman ako dahil sa expresyon niya. Bakit parang kilalang-kilala niya ang lalaking 'yon?? At bakit parang kilala siya nang lahat?? "Wala din naman akong balak na kilalanin siya." kinuha ko na ang gamit ko. "Aalis na ako at pupunta pa
ako—"

"Aalis ka talaga? Saan ka naman pupunta??" Bumalik sa pag-alala ang mukha niya.

"Siguro ay uuwi muna ako pagkatapos kong makuha ang huling sweldo ko." Humugot ako nang hininga. "'Wag ka nang mag-alala sa'kin, makakahanap din ako nang panibagong trabaho."

Niyakap niya naman ako, nakaramdam naman ako nang lungkot. "Basta bisitahin mo ako, ah?"

Bumitaw ako sa pag kakayakap niya at hinarap siya sabay tango. "Oo naman!" Tumawa pa ako sa kanya. "Tama na nga 'yan! Masisira na ang make-up mo kapag nag-iyakan pa tayo dito." Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. "Keep in touch."

Kumaway nalang ako sa kanya pagkatapos kong mag paalam. Agad akong dumeretso sa opisina nang boss namin. Nakita ko namang nakaupo siya sa table niya at may hawak na brown envelope. Talagang expected na ang pagpunta ko dito. Ini-abot niya 'yon sa'kin at pagkatapos ay kinuha niya din ang isang white envelope na naglalaman ng last check ko.

"Boss—"

Pinigilan niya naman ako na mag salita. "Ilang beses na kitang binantaan, Thalia. Ayokong may na le-late sa trabaho," mahinahon niyang sabi. "Alam ko na biglaan 'to, pero ayokong patuloy mo 'tong gawin."

Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya at pinipigilan na tumulo ang luha. "Nabigla nga ako, eh." tumawa pa 'ko nang peke sa kanya para pigilan ang mga luha ko.

"Sorry to let you go." Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Wala namang problema sa'yo pagdating sa pag ta-trabaho, pero palagi ka lang nahuhuli. Hoping for your understanding." tinampal niya pa ako sa balikat.

Humugot ako nang hininga at nakangiti na humarap sa kanya. "Okay lang, naiintindihan ko." Kinalas ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko. "But if you really feel sorry to let me go, bakit kailangan mo pa akong paalisin?? Alam mo naman na mahalaga sa'kin ang trabaho na 'to."

Pero hindi ko naman siya masisisi dahil sa sino ba naman na empleyado ang papasok ng late na? Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na lang. Lumabas na 'ko sa coffee shop at naisipan na umuwi na lang. Duma-daan lang ang mga sasakyan pero hindi ko nalang pinag-tuonan 'yon ng pansin. Ini-isip ko kong ano na ba ang gagawin ko ngayon, ngayon na napa-talsik na 'ko sa trabaho. Napa buntong hininga na lang ako. This is life...really. Dumaan ako sa parke kung saan maraming mga bata ang naglalaro. Makikita ang saya sa mga mukha nila and they're playing around carefree. I sigh, kung pwedi lang din sana na bumalik na lang ako sa pag-kabata ay gugustohin ko pa. I also wanted to be carefree again. 'Yong walang pino-problema kundi ang maglaro lang, kong sino ang magiging kalaro mo at kung ano ang kakainin mo. Hayy...

Sold To The Billionaire (Billionaire Series #1)[COMPLETED]✓(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon