CHAPTER 22: Dalawangpu't Dalawang Benta

13K 386 13
                                    











[CHAPTER TWNETY-TWO]







"Ma.."

Napamulat siya at gulat na napatingin sa akin.

"Alam ba ni—"

"Hindi po. Gusto ko po kayong makita. Nasaan po si Dad? Bakit Wala siya—"

"Baka bumaba at bumili ng pagkain. Dapat hindi ka na pumunta dito Thalia"

May halong pag aalala sa boses niya. Bakit naman siya nag aalala?? Wala namang masamang nangyari sa akin eh.

"Wag po kayong mag alala sa akin Mom. Kayo? Kamusta ang pakiramdam—"

"I'm fine, Thalia. Please bumalik kana—"

"Mom naman! Ayaw niyo ba akong makita?? Sabihin niyo lang. Wag yong itaboy niyo ako paalis. Miss na miss ko na kayo! Akala ko nga miss niyo din ako. Pero sa nakikita ko ngayon talagang parang kinalimutan niyo ng may anak kayo—"

"No, hindi ganon yon Thalia. Nag aalala lang ako—"

"Para saan Mommy?? Bakit kayo nagkakaganyan??"

"Please sumunod ka nalang—"

"No!" Matigas na sabi ko.

"Pumunta ako dito para kamustahin kayo. Para malaman kung anong nangyari sa inyo. Ano po ba—"

"Wala—"

"Mom naman! Wag na kayong mag sinungaling please.."

"Para din Ito sayo"

"Para sakin??? Anong ibig niyong sabihin?? Hindi ko kayo maintindihan"

"Maybe kailangan na niyang malaman ang lahat"

The door close at agad na lumapit sa amin si Daddy.

"Huh?? Ano ang kailangan kong malaman?? Mom?? Dad??" Baling ko sa kanila.

"Hindi aksidente ang nangyari sa Mom mo, Thalia" dad said.

"Hindi aksidente?? Bakit?"

"Sinadya akong saksakin, Thalia. Kaya nag aalala kami para sayo na baka pati ikaw ay madamay"

"Mom Hindi ko kayo maintindihan" nalilitong tanong ko.

"Ano po ba talaga ang nangyayari?"

"Mahihirapan kang intindihin yon"

"Eh sa hindi niyo din naman po nililinaw sa akin"

Kinuha ni Daddy ang upuan at lumapit sa tabi namin.

"At paano niyo po nalaman na hindi aksidente ang lahat??"

"Nakita ng Mommy mo kung sino ang sumaksak sa kaniya"

Napatakip naman ako sa bibig ko dahil sq gulat.

"Totoo po mom?? Nasumbong niyo na ba sa pulis—"

"Mas lalong delikado kapag ginawa namin yon, Thalia"

"Anong delikado?? Ano bang kinakatakutan ninyo??"

"Basta anak, mag iingat ka. Wag kang lumabas ng bahay. Para din Ito sa kaligtasam mo"

"Mom—"

"Listen to your Mom, Thalia" dad said.

"Pero daddy kailangan managot nong taong sumaksak kay Mom! Ano?? Hahayaan niyo lang ba yon?? Paano kung ulitin na—"

"Kaya nga mag ingat ka. Delikado siya, anak. Kung noon ay nagawa ka niyang ipahamak ano pa kaya ngayon na bumalik na siya?"

Nalilito ako! Ano?? Sinong siya?? Sinong bumabalik?? Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa biglang pag kirot nito.

"Are you okay, Thalia??"

"Nahilo lang ako pero okay lang ako"

Nagkatitigan naman silang dalawa ng may nag aalalang mukha.

"Malalaman mo din ang lahat, Thalia. Pero siguro Ito na muna dahil Hindi namin gustong mag isip ka pa"

"Mommy. Daddy. Please explain me everything"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor.

"May I check Miss Gonzalez??"

My dad nodded. Lumayo naman kami sa kaniya.

"Let's go, Thalia. Ihahatid na kita pauwi kay Vaughn"

Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba Kasing nangyayari. Bakit may mga ganitong eksena??

"Dad.."

"Yes?"

"Tapatin niyo nga ako. Bakit ganon nalang kadali sa inyong ipagpalit ako sa pera??"

Matagal ng katanungan Ito sa isip ko. At Ito ang pagkakataon na gusto kong masagot ang katanungang Ito. Dahil pakiramdam ko padami ng padami ang mga tanong na nabubuo sa isip ko. Isama mo pa ang mga sinabi kanina ni Mommy.

"Thalia..."

"Dad please..gusto kong masagot Ito. Simula nong umalis ako sa bahay ngayon ko nalang ulit kayo nakausap" malungkot na sabi ko.

Agad niya naman akong niyakap. Kaya napahagulhol ako sa bisig niya. Damn! I miss him so much!! Kung pwedi lang balika ang panahong maayos pa ang lahat ay gugustuhin kong bumalik sa panahong yon.

"D-dad.."

"Ssshhh... don't cry" pag aalo ni Daddy.

Para akong isang Bata na umiiyak. Iba kasi yong feeling na kasama mo sila. Kapag nasa poder ka nila palagi nalang na sila ang masusunod. Pero kahit na ganon mas gugustuhin ko na sumunod nalang sa kanila kisa ang tumaliwas sa gusto nila. Kasi naiisip ko na kahit sa ganoong paraan ay maging masaya sila. Na kahit sa ganoong paraan ay makaganti ako sa paghihirap na ginawa nila para sa akin. Nakaka miss na palaging mukha ng mga magulang ko ang bubungad sa akin sa umaga. Hahainan ako ng masarap na pagkain sa umaga. Titimplahan ako ng kape kapag alam nilang hindi ako mag aalmusal dahil ma la-late na naman sa trabaho. Yung feeling na asikasong-asikaso sila sayo. Damn!! Kahit may pagkakamali sila hindi ko parin malilimutan ang magaganda at mabubuti nilang ginawa para sa akin.

"D-dad...miss ko na kayo ni Mommy. Daddy...gusto kong m-malaman kung bakit ganon lang kadali sa inyong mag desisyon na ibenta ako??"

"We are really sorry for what we've done ng Mom mo, Thalia. But this is for your own sake. Mapapanatag kami hangga't nasa poder ka ni Vaughn"

Napatingin naman ako sa kaniya at agad na namunas ng mukha ko dahil sa luha.

"Deretsuhin niyo nga ako Dad. Bakit parang ang laki ng tiwala niyo Kay Vaughn??"

"Because we didn't trust him before"

"H-huh??"

Mas lalong dumagdag na naman ang tanong sa isip ko. Nadinig kong napabuntong hininga siya.

"Okay. But don't say to your Mom na sinabi ko to sayo okay?"

Napatango nalang ako dahil ang seryoso masiyado.

"You have a amnesia, Thalia. And until now hindi parin bumabalik ang alala mo sa nakaraan. Mahirap para sa aming ipaliwanag sayo ang mga nangyayari ngayon dahil hindi pa buo ang alaala mo. And for you to remember and recall your memories we need accept Vaughn's offer. But that's not the only reason. Dahil nanganganib din ang buhay mo. Kaya hangga't nasa poder ka ni Vaughn ay panatav kami na magiging ligtas ka. We did that para sayo, Thalia. Kaya sana ay sumunod ka nalang, okay?"

Inisa-isa ko ang mga sinabi ni Dad. Hindi parin nag si-sink in sa isip ko ang lahat ng mga sinabi niya. Amnesia?? Kelan pa?? At ano itong kailangan kong manatili sa poder ni Vaughn para bumalik ang mga alala ko?? At bakit magiging ligtas ako kung sa poder ako ni Vaughn?? Ugghhh!!

"Pero bakit sa kaniya??"

"Dahil alam kong maraming katanungan sa isip mo na Hindi namin kayang sagutin. And for you to answer those questions you need to be with him. He know what's going on, Thalia. Because the day na naaksidente ka. He's also there to save you"








>>>next update!

Sold To The Billionaire (Billionaire Series #1)[COMPLETED]✓(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon