CHAPTER 3: Ikatlong Benta

22.4K 688 36
                                    


[CHAPTER THREE]







Napamulat ako nang mata at ramdam ko na namamaga ito. Bumangon na lang ako at dumeretso papasok sa loob ng banyo. Nang matapos ay lumabas na ako nang kwarto. Agad ko naman na nakita si mom and dad na parehong nakaupo sa mesa.

"Good morning." Bati ni mom sa'kin ng makita ako. "Umupo ka na at mag-almusal."

"Morning." I replied at umupo na.

"Okay ka lang ba, Thalia?? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo??" Tanong sa'kin ni mom ng makita ang plato ko.

Napabuntong hininga na lang ako at agad na sumubo. Hindi ko maintindihan pero parang ayokong kumain.

"Nga pala, anak, susunduin—"

Agad ko na nailapag ang kutsara at tinidor na hawak ko. "Mom.." pigil ko sa kanya.

"Kumain ka na." Sabi ni dad sa'kin habang inaawat niya si mom na mag salita.

"Tapos na ako." Sabi ko at agad na tumayo.

"Hindi mo pa nga nakakalahati ang pagkain mo." Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Okay. Kung tapos ka nang kumain, kunin mo ang paper bag na 'yon at suotin mo ang damit." Turo niya sa mga paper bag.

"Daisy." Tawag sa kanya ni dad.

"I already told you, Mom." Madiin akong tumitig sa kanya. "Hindi ako mag papakasal—"

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo para sampalin ako. Maging si dad ay nagulat din kaya napatayo din ito para pigilan si mom. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na sinampal niya ako.

"Gusto mo bang makulong kami, ha, Thalia?!! Gusto mo bang mawalan ng mga magulang?!!" Sigaw niya pa sa'kin.

Napatingin ako sa kanya nang may hindi makapaniwalang tingin. "Bakit ako, ha, mom?! Bakit ako?!! Bakit kailangan na ako pa ang kapalit sa ginawa niyo?! Sana'y naisip niyo 'yan bago kayo lumagda sa kontrata!!"

"Bumalik ka dito, Thalia!" Patuloy niyang sigaw, pero hindi ako nakinig at patuloy lang sa pag martsa pabalik sa loob ng kwarto ko.

Kailangan kong tapusin 'to.

Ano pa ba ang magagawa ko??

I don't have any choice! Kailangan kong makipagkita kay Fortenerro para kausapin siya tungkol sa kontrata. I'm worried about my parents. I don't want to see them in jail. Galit ako, oo, galit na galit dahil sa desisyong ginawa nila, pero sila lang ang pamilya ko.

Damn it!!

Bakit ba kailangang kaming mga anak ang magbayad ng mga kasalanan ng mga magulang namin? Kung para talaga sa'min ang ginagawa nila, bakit kailangan pang pangunahan nila ang pansarili naming desisyon?

I took a light shower at agad ng lumabas. Bakit naman ako mag-aayos para sa lalaking 'yon? Duh!! Mabuti nga na ma-turn-off siya at ng sa gano'n ay siya na mismo ang umurong sa kasal. Nag suot ako nang t-shirt at pantalon. Sinuot ko din ang sneakers ko. Hindi na ako nag-abalang humarap sa salamin at agad na lumabas sa kwarto.

Napahinto pa silang dalawa nang makita ako. Napatigil si mom sa paghikbi, habang si dad naman ay nagtatakang napatingin sa'kin.

"Where are you going??" Tanong niya.

"Give me the address." Malamig kong tugon.

Napatayo naman si mom dahil sa gulat. "Pupunta—"

"Pupuntahan ko siya para maayos na ang lahat. Hindi ako pupunta do'n para planuhin ang kasal." Agad na putol ko kay mom.

Sold To The Billionaire (Billionaire Series #1)[COMPLETED]✓(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon