CHAPTER 25: Dalawangpu't Limang Benta

13.1K 367 10
                                    










[CHAPTER TWENTY-FIVE]







Hindi ako dumaan sa main gate. Sa likurang bahagi ako dumaan para walang makaalam na umalis ako. Hah! Akala niya hindi ko tutuhanin ang sinabi ko?? Bahala siya sa buhay niya!! Magsama sila nong impaktang babaeng yon! Kung may relasyon man sila wala akong pakialam don!! Tutal kontrata lang naman to eh.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Aaminin ko na kahit kontrata lang ang lahat ay parang unti-unti na akong nahuhulog. Damn!! Diba sinabi kong hindi ako magkakagusto don?? Bakit ngayon parang kinain ko lahat ng mga sinabi ko??

Pinagpagan ko ang sarili ko ng makalabas sa lumang pinto. Marami kasing alikabok at siguro ay hindi na nalilinisan dahil hindi naman nadadaanan.

Napatingin ako sa buong paligid. Nasa labas na nga ako. Pero parang pamilyar sa akin ang lugar na Ito. Teka...

Bigla akong nahilo kaya napaupo ako sa bench na malapit sa akin. Nasa lumang parke ako. Mas lalong kumirot Ito at nagulat nalang ako ng may alaalang biglang pumasok sa isipan ko.








"Laro tayo, T"

"Sige ba. Pero nasaan si V at saka sina Y at D?" I asked.

Nagsampok Naman ang kilay niya sa pagtataka.

"Hindi mo ba gustong makalaro ako??"

"Hindi sa ganon—"

"Sa ganon yon!" Tumaas ang boses niya kaya nagulat ako.

"Bakit mo sila hinahanap kong nandito naman ako??"

"Masaya kasing maglaro kapag marami—"

"So you're trying to say na hindi ako masayang kasama at kalaro??"

"Ano bang pinagsasabi mo?? Kaibigan din natin sila—"

"Kaibigan mo din ako"

Lumapit siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit napaatras nalang ako sa kaniya. Why?? Bakit parang natatakot ako sa kaniya?? Mukhang hindi siya Ito. Malayong-malayo sa...












Napamulat ako ng mga mata at ramdam ko ang pamamawis ng noo ko. Nakaramdam ako ng isang tao na nakaupo sa gilid ko. Wait...nasaan ako?? Napalibot ang tingin ko at puro puti lang ang nakikita ko. Nagtaka din ako dahil nakahiga na ako sa isang malambot na higaan.

"You're awake now"

"S-sino ka??" Napakusot pa ako sa mata ko.

"Relax, T. Ako ito si X, hindi mo ba ako natatandaan??"

X??

T???

Sino yon???

Pero bakit niya ako tinawag na T?? At teka..nanaginip ba ako??

"X?? Wala akong kilalang X ang pangalan"

"Hindi mo talaga ako makikilala T, dahil parte ako ng nakaraan mo. Magkaibigan tayo, T" he smiled.

"Bakit ako nandito??"

Pag iiba ko nalang sa usapan. Ayokong pag usapan ang nakaraan ko. Hangga't hindi pa bumabalik ang mga alala ko hindi dapat ako magpaka segurado.

"I saw you lying on a bench. Akala ko nga ay patay ka na. But luckly may pulso kapa kaya isninugod agad kita dito sa hospital"

Ha?? Nakatulog ba ako?? Anong nangyari??

Sold To The Billionaire (Billionaire Series #1)[COMPLETED]✓(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon