3 | Powerful Bond

47 22 2
                                    

A/N : Author's Note.

Ada will going to take over all the point of views (POV) for the following chapters. Thank you!

__________________________

Chapter 3.


Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman ko para sa lalaking kanina pa hindi mawala sa isipan ko. Simula nang magtagpo ang landas namin kanina ay hindi na siya nawala sa isip ko.

Ramdam ko na hindi siya tao. Ngunit hindi ko ramdam kung bampira ba siya o tulad din naming anghel.

Pakiramdam ko ay hindi iyon ang unang beses na nagkita kami. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala base narin sa itinibok ng puso ko kanina.

Pagkatapos nang matagal naming pagtititigan kanina ay bigla na lamang siyang nawala. At hindi 'yon gawain ng isang normal na tao. Ngunit kayang gawin ito ng bampira at anghel na gaya ko.

Sobrang naguguluhan ako. Unang araw ko pa lamang dito sa Akademya ay nararamdaman ko na, na hindi magiging madali sa akin ang lahat ng nandito.

Naagaw ang atensyon ko ng tatlong babaeng papalapit sa akin. Kasalukuyang nakaupo ako ngayon sa bench dito sa hallway kung saan kami nagbanggaan ng lalaking 'yon. Hindi ko na kasi maihakbang pa ang mga paa ko kanina. Parang nanghina ako bigla.

Agad kong iwinaksi ang kamay ng isang babae na bigla akong inakbayan. Napatayo ako at tinitigan sila sa nakapagtatakang paraan.

Papaanong nakapunta sila agad sa pwesto ko? Don't tell me...

"Yes! We are angels!" Masiglang sambit ng babaeng kanina lamang ay aakbayan ako.

Medyo napangiwi pa ako sa klase ng suot nito. Kulay pink lahat ng suot nya, maging ang gamit nitong bag at sapatos. Really? Hindi naman ata halatang favorite niya ang pink.

"You're Magdalene Mijares, right? If yes. Then follow us." Seryoso namang banggit ng isa pa nilang kasamahan.

May sama ata ng loob 'to sa buong daigdig, ni hindi man lang ngumiti? Or kahit kaunting emosyon man lamang sa boses niya? Geez, what kind of angels these girls are? They are good at acting like a real human.

Agad na inakbayan ako ng babaeng nakapink at hinila ako pasunod sa babaeng seryoso kanina, at sa isa pang, maamo naman ang mukha ngunit hindi ata palasalita.

What the eff is happening Ada? You just met three girls, with different set of attitudes.

And who are they?




"I am Missy Larcia, 17 year old from Larcia Dunasteia." The girl in pink introduced herself with a big smile plastered on her glossy face.

Mahilig siguro 'to sa make up's.

"I am Yera Lystica of Lystica Dunasteia." Pagpapakilala naman ng babaeng pinagkamalan ko pang pipe. Maamo ang mukha nito na parang 'di makabasag pinggan. Mahaba ang kulay itim nitong buhok at nakasuot ito ng simpleng puting blusa na tinernuhan ng kulay itim na pants. Napakasimple niya. Napakamahinhin. Bagay sa kanyang makilala bilang anghel.

Dumako naman ang tingin ko sa napakaseryosong mukha ng isa pang babaeng kasama namin dito sa loob ng Opisina na ito. Dito nila ako dinala kung kaya't hanggang ngayon ay nandito parin ako. Wala narin naman akong magagawa, hindi ko rin naman kabisado ang mayroon dito.

"Sapphire Lilan." Maiksi nitong saad. Oh, I bet she came from Lilan Dunasteia.

Napatango naman ako at alam kong ako na ang susunod na magpapakilala nang biglang may lumabas sa loob ng isa pang silid ng opisina.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now