4 | Evening Deities

45 21 19
                                    

Chapter 4.



Nagising ako nang makarinig ng kakaibang ingay. Parang may bumubulong sa'kin. A deep and cold voice.

"Yes you can hear me, Magdalene."

Napamulat ako ng mata nang mapagtanto na totoo ngang may gustong makipag-usap sa'kin gamit ang telepatiya.

"Sino ka?" Tanong ko rito sa pamamagitan ng isipan.

Huminga ako nang malalim at inayos ang aking damit. Hindi naman mainit ang panahon, ngunit mainit sa pakiramdam ang nangyayari ngayon.

Kaagad akong napausod sa kaliwang parte ng aking kama nang marinig muli ang boses nito sa kanang tainga ko.

"Don't worry Magdalene, I want this game to end right here, right now. But of course I need to play first." Sambit nito. Hindi ko siya maintindihan. Ano'ng pinagsasasabi niya? Nagugulumihanan ako. "And I'll make sure that you'll gonna fall for all my traps."

Pagpapatuloy niya. Sinubukan kong pakiramdaman kung ano'ng uri siya ng nilalang ngunit masyadong malakas ang gamit nitong panangga.

Hindi ko siya mahanap, hindi ko man lang matanaw ang kanyang pigura. Napakadilim ng saklaw nitong aura. Kumpirmado, hindi siya isang anghel.

"Sino ka?! Magpakita ka sa akin! Ano'ng pakay mo!? Magpakita ka!" sigaw ko sa aking isipan ngunit bigla na lamang nawala ang kanyang aura. Bumalik na sa normal na espasyo ang aking isipan.

Hinabol ko ang aking hininga pagkatapos niyang mawala. Parang kinakapos ako ng hangin. Masyado siyang malakas. Hindi ako ligtas dito, una palang batid ko na 'to ngunit nais ng buong pagkatao ko na makapag- aral sa tunay na Akademya.

"Hmm... no! no! NO!" agad akong lumabas ng aking silid nang marinig na may sumisigaw sa kabilang kwarto na katabi lamang ng silid ko.

Hindi nakalock ang pinto nito kung kaya't pumasok na ako at in-on ang ilaw. Nakita ko si Sapphire na basa ng pawis ang buo niyang mukha habang mahigpit na nakakapit sa magkabilaang kama ang kanyang mga kamay.

Nilapitan ko siya at sinubukang gisingin. Narinig ko rin na bumukas ang dalawa pang kwarto sa labas at pumasok dito sa loob sina Yera at Missy.

Tiningnan ko sila ng may pag- aalinlangan dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.

Masyado akong naguguluhan at nabibigla sa lahat ng mga pangyayari.

Hinawakan ni Yera ang kanang kamay ni Sapphire at hinawakan naman ni Missy ang kaliwang kamay nito. Pumikit sila at umilaw ang mga kamay nila na parang ginagamitan nila ito ng kapangyarihan.

Nanonood lamang ako sa ginagawa nila at pagkatapos ng ilang segundo ay biglang nagising si Sapphire. Hinihingal ito at mabilis naman na iniabot sa kanya ni Missy ang tubig na nakapatong sa side table niya.

Pagkatapos uminom ni Sapphire ay umupo si Yera sa upuan malapit sa kama nito at umupo naman si Missy sa kama nito.

Samantalang ako ay nanatiling nakatayo at hindi alam ang unang sasambitin.

"Paumanhin sa abala Magda--"

"A-Ada. Ada nalang." Pagputol ko dito. Well, Magda is cool but Ada is cooler.

"Paumanhin sa abala, Ada. Paminsan-minsan talaga ay umaatake ang ganyang gawi ni Sapira." Pagpapaumanhin ni Yera.

"Nakita mo naman ang ginawa namin ni Yera kanina Ada, so I guess next time alam mo na ang gagawin." dagdag naman ni Missy. Patuloy lamang akong nakikinig sa kanila. Wala akong balak na magsalita hangga't hindi nila nasasabi ang mga gusto kong marinig.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now