6 | Hide and Seek

28 20 5
                                    

Chapter 6.


Iminulat ko ang mga mata ko ngunit napakalabo ng paligid. Pumikit akong muli at dahan-dahang pinakatitigan ang kinaroroonan ko ngayon. Puti. Puro puti. Napansin ko na may nakahawak sa kaliwang kamay ko.

"Yera..." mahinang pagtawag ko sa kanya. Agad naman itong nagising at agad tumayo sa kinauupuan nya.

"Ayos kana ba? May masakit pa ba sa'yo?" Natatarantang tanong nito. Ngumiti ako sa kanya at napangiti din siya.

"I'm fine. Thank you. Nasaan sina Missy at Sapira? Si Syrene? Nagkagulo ba kanina?" Sunod-sunod na tanong ko.

Napalunok si Yera sa mga katanungan ko. Naglakad sya papunta sa sofa at umupo. Tumitig sya sa sahig at napabuntong-hininga.

"Missy and Sapphire are in the Office right now, Ada. Kasalukuyan silang nakasalang sa Interrogation. This is all Syrene's fault." Sagot nito at makikita sa mata niya ang pangamba.

Pinilit kong makaupo at nang akma akong aalalayan ni Yera ay pinahinto ko siya kung kaya't 'di na siya tumayo pa sa kinauupuan niya.

"What's the use of Interrogation? If at the end, lahat ng kasangkot sa gulo ay uuwi rin lang sa Detention Guild." I said. What's the purpose of it? Why investigate if wala rin silang kikilalaning pwedeng lumaya sa gulo?

Tss. Pathetic. Bulong ko na lamang sa isipan ko.

Nagulat kami ni Yera ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking nakasuot ng kulay puting polo at black pants. I rolled my eyes upon looking at him.

"Why are you here?" I asked immediately. I can saw on his eyes na parang nag-aalala siya. But he's controlling himself from doing the things na gusto niya talagang gawin.

The man gulped. "Do you feel better now?" He asked. Hindi ako sumagot at iniiwas ko na lamang ang tingin sa kanya.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun. Boses niya 'yun.

"Syrene's bond and Sapphire's bond. On the Detention Guild, tomorrow at 8 pm."

Alam na nga niyang may nasaktan, inuna pang naisip ang rule.

"Yes, Kael. Okay na siya." Sagot ni Yera dito. I keep myself silent at nang napansin nitong wala akong balak na magsalita ay pinagpatuloy niya ang sasabihin.

"I am here to inform you, Ms. Yera Lystica and Ms. Magdalene Mijares, together with Ms. Sapphire Lilan and Ms. Syrene Magenda's bond. When the clock strikes at 8 in the evening, lahat kayo ay nasa loob na dapat ng Detention Guild." Mahaba niyang saad at nang aalis na ay lumingon itong muli sa akin. Nakipagtitigan na lamang ako sa kaniya.

"Mag-iingat ka." He said towards me at tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Natulala naman ako sa sinabi niya. Bakit ako lang? Bakit sa'kin niya lang sinabi iyon samantalang nandito din naman si Yera.

Napansin ni Yera ang pagtataka ko.
"Don't worry, Ada. Masungit ang Presidente pero nag-aalala din siya sa student body." nakangiting saad nito sa akin.

Napatango-tango na lamang ako. Pero iba talaga ang kutob ko sa sinabi niyang paalala.


"Mag-iingat ka."


Seems like something huge is going to happen. Whatever it is, I won't let other's take my life.

The nurse told us na okay na akong ilabas, that's why Yera assisted me back to our dorm.

Maayos na ang pakiramdam ko. Parang wala ngang nangyari. Parang hindi ako tinamaan ng kung ano. And I know this is the perk of being not a normal student.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now