8 | Cure for the Poisonous Blood

23 19 9
                                    

Chapter 8.


I pushed him hard.

He turned around and disappeared in a blink of an eye.

He’s not an angel. Then what is he? A vampire?

Ada? Ada ikaw ba ‘yan?” someone called my name. Pinulot ko ang espadang nabitiwan at bahagyang nabigla dahil wala na ang espada ng lalaki. Hindi ko napansin na nakuha niya iyon sa gano’n kabilis na oras.

Nilingon ko ito at nakita ang Sapira na kung dati ay kalmado lamang, ngayon ay napalitan ng isang Sapirang puno ng takot at pangamba ang pagkatao. Bakas ito sa kanyang mga matang basa buhat ng luhang kanina pa siguro umaagos mula rito, at sa mga kamay at binti nitong kanina pa siguro nanginginig.

Nilapitan ko siya at hinagod ang likod nito upang pakalmahin siya kahit papaano.

“Shh, tahan na. I'm here. Ilalabas ko kayo dito,” sambit ko habang nakatingin sa kawalan.

Pinaupo ko muna siya saglit at nang magawi ang tingin ko sa kamay nito ay napahinto ako.

Puno ng dugo at sugat ang kamay niya. Parang kinagat siya ng kung ano. Maaari kayang—

“Sapira? Maaari ko bang malaman kung anong klaseng nilalang ang gumawa nito sa’yo?” mahinahon at maingat kong tanong.

Mas nanginig ang mga kamay nito na nakahawak pa sa kanyang espada. Puno ito ng dugo at may naiwan pa ditong laman ng kung anong nilalang.

Nabigla ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. Napakahigpit nito at ramdam ko na ang mga kuko nitong unti-unti nang bumabaon sa balat ko.

Napakurap at napalunok ako sapagkat nakita kong nag-iba ang kulay ng mata ni Sapira.

She had a brown eyes, but now. May kulay itim na namumuo sa gilid ng mata niya.

Hindi ako pwedeng magkamali. May kakaiba kay Sapira.

“Sapira. May nararamdaman kaba? Ano’ng nilalang ang gumawa sa’yo nito? Ano?!!” nagngingitngit kong tanong.

Hindi siya umimik kung kaya’t iwinaksi ko ang mga kamay niya na syang dahilan nang tuluyang pagbaon ng mga kuko nito sa balat ko.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang hapdi nito. Ilang beses narin akong napalunok dahil hindi ko mabatid kung papaano ko maiwawaksi ang sakit nito.

Itinuon ko ang tingin kay Sapira na nakatulala na ngayon. Ang mga mata nito ay tuluyan nang nasasakop ng kadiliman. Sunod naman na natuon ang tingin ko sa sugat nito. Tumigil na ang pagdurugo ngunit nag-uumpisa narin itong mangitim.

Ano nang gagawin ko?

Tinitigan ko ng mabuti si Sapira. Ang sugat nito. Maging ang kaniyang espada. Ang kanina’y malapot na dugo mula rito ay natuyo narin. Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala sa hangin ang dahilan nang pagtuyo nito. Hindi rin malamig dito. Papaanong natuyo ang dugo?

At si Sapira...

Muling bumalik ang tingin ko sa kaniya. I checked her pulse. Napabuga ako ng hangin. Thank goodness.

I stood up and think deeper.

Hindi ordinaryong nilalang ang nakaharap ni Sapira. Maaaring tulad nang nangyari kanina sa’kin ay may nakaharap din siyang leon. Mabilis, madaya, malakas, mabangis. Kung hindi siguro ako iniligtas ng lalaking iyon ay malamang nasa pareho na kaming sitwasyon ngayon ni Sapira.

Kung tunay ngang leon din ito. Ano’ng meron sa leon na ‘yon?

Poison?

“Sapira!” kaagad akong bumalik sa tabi ni Sapira nang magsuka ito ng kulay itim na likido.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now