1 | Red Eye

69 23 21
                                    

Chapter 1.

"When the moon starts to turn red, everything must be on it's right place. No hindrance, no humans, no Angels."

Malalim at makapanindig balahibong sambit ng lalaking nakatayo malapit sa bintanang natatakpan ng makapal at maitim na tela.

Ang buong paligid ay madilim at tanging ang pagsilip lamang ng munting sinag ng araw ang siyang nagsisilbing tanglaw.

Ngunit kahit na gaano man kadilim ang paligid, hindi ito inda ng mga nilalang na nakatayo at nakatitig sa lalaking wari'y ay pinuno nila.

Malakas ang kanilang pandinig. Mabilis ang kanilang kilos, matalim ang kanilang mga mata at ang pagkislap sa kanilang mga labi ang siyang nangingibabaw sa lahat.

"Hindi nila tayo maaaring maunahan. Kung hindi ay katapusan na ng lahat ng natitirang lahi natin dito sa daigdig."

Pagpapatuloy ng lalaki. Nanatili itong nakatayo at nakatalikod sa kanyang mga kasamahan. Nakatutok ang mapula at nag- aalab nitong mga mata sa bintana na wari'y nakikita niya ang lahat ng nangyayari sa labas.

Humarap ito sa mga kasapi at tinitigan ang isang lalaking tahimik lamang na nakatitig sa sahig. Walang emosyon ang kanyang mukha at kakikitaan ito ng taglay na kakisigan.

Nakasuot ng purong itim, polo at pantalon.

Napakaputi nito kahit na nasa pinakasulok sya ng silid habang nakahalukipkip ang dalawang kamay.

Humakbang ang lalaking kanina ay nagsasalita patungo sa binata na animo'y walang naririnig at walang pakialam.

Huminto ito sa harapan nito ngunit wala paring tugon ang binata.

"Hindi mo nanaising mawala ang angkan mo, Trevor," malalim na saad ng lalaki. Wala paring tugon ang binata na tinawag nitong Trevor.

"Sa lahat ng Clan, tayo ang pinaka- inaasahan," pagpapatuloy nito habang titig na titig parin sa binata.

Tinalikuran nito si Trevor at diretsong tumingin sa bintana na parang hindi balakid sa kanyang mga mata ang makapal na itim na kurtinang nakatakip dito.

"Paibigin mo, ang babaeng siyang susi, sa pagkalaya natin sa sumpang ito." masugid nitong saad bago tuluyang lumabas sa madilim na silid.

Unti- unti naring nagsilabasan ang bawat miyembro at naiwang mag-isa ang binata sa sulok ng silid.

Napabuntong- hininga ito at lumapit sa bintana. Tumingin ito doon na wari ay walang nakahadlang na makapal na tela. Tumitig ito sa babaeng nasa ibaba ng malaking gusali hindi kalayuan sa gusali kung nasaan siya.

Napakalinaw parin ng mukha at tindig ng babae at malinaw ring naririnig ng binata ang lahat ng sinasabi ng dalaga kahit pa nasa pinakatuktok na silid sya ng gusali at nasa malayong gusali naman ang dalaga.

"Magdalene... Mijares."

Bulong nito sa sarili habang nakatitig sa walang kamalay- malay na dalaga.


____________

Ada.

"Ate naman, sige na po. Bibilhin ko po ito pero may discount. Sige na ate, ang ganda kasi ng kulay. Pero hindi pa po kasi ako sumasahod e'. Sige na ate, pagbigyan mo na 'ko. Promise po ate lalago itong Clothe Shop ninyo. Oo ate maniwala kayo sa'kin. Please po ate bibilhin ko 'to pero bigyan nyo na 'ko ng discount. Please," makulit at walang tigil na pagpupumilit ko kay ate habang hawak itong napakagandang puting dress.

Niyakap ko ang dress at nagpacute kay ateng tindera. Nagpapaawa ako e' baka kasi sakaling pagbigyan na nya ako. Mag-iisang oras narin mula nang simulan kong makipagpatintero kay ate para sa discount. 40% discount lang naman e', hindi naman kalahati.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now