28 | To Fall

5 6 2
                                    

Chapter 28.


I always wanted to know what really happened to my sister. I want to know the real reason behind her death.


Nais kong malaman kung nasaan si Kael noong mga oras na kinitil ng aking kapatid ang sarili niya. Nais kong malaman kung bakit niya hinayaang mangyari ito. Kagustuhan niya bang mamatay ang kapatid ko? Ngunit malabong ito ang nangyari sapagkat nakita mismo ng aking mga mata kung gaano nila kamahal ang isa't isa.



Simula ng mailabas ako ni Trevor sa opisinang iyon ay hindi na ako magawang makausap nila Yera, Sapira at Missy. Sinabi ni Trevor sa kanila na huwag muna akong kausapin dahil kailangan ko ng oras para mapag-isa ngunit sadyang matigas ang ulo ng mga kaibigan ko dahil kanina pa nila ako kinukulit.


"Ada, please magsabi ka sa amin. Makikinig kami. Hindi maaaring ganito na lamang ang laging nangyayari sa'yo," hawak na ni Yera ang mga kamay ko. Nanatiling nakatanaw ako sa kawalan na tila hindi ko sila naririnig.


"What the heck happened on that fucking office? Simula nang manggaling kayo doon ay nawala kana sa sarili mo," si Sapira naman ay kanina pa nagmumura dahil sa nangyayari.



"Ada, please talk to us na," malamang ay nakabusangot na ang mukha ni Missy.



Napabuntong-hininga ako ng malalim bago ko sila tinitigan. Kita ko na nakahinga na nang maluwag si Yera at lumapit sa amin Sapira. Si Missy naman ay napangiti na.




Pilit akong ngumiti sa kanila at tumayo na. Inunat-unat ko ang mga braso ko sabay harap sa kanila na para bang okay na okay ako.


"Okay ladies, let's start!" Masiglang sambit ko at humakbang na patungo sa isang silid kung saan kasalukuyang nag-eensayo ang ibang mag-aaral.



"What the hell is happening to her?" Rinig kong bulong ni Sapira.


"She's getting weirder," Missy seconded.

"Hayaan na muna natin si Ada. Siguro ay hindi pa siya handang ibahagi sa atin ang problema niya. Magsasabi rin siya sa atin," and our most calm friend Yera, uttered.


Nang makapasok na kami ay agad kong nakita ang grupo ni Trevor sa pinakadulong bahagi ng silid. Hindi ito isang pangkaraniwang silid dahil imbes na semento ang nakapaligid ay mga salamin ito. Napakaliwanag at linis din ng silid. Maaari kang magsalamin kahit saan ka tumingin.



"Woah... This room is unbelievable," Missy said while looking around.


Nagtungo na kami sa isang mahabang salamin na mesa at tumingin ng iba't ibang klase ng armas na nakahain dito.



Sa lahat ng armas ay napili kong hawakan ang dalawang 'di kalakihang dagger. Kakaiba ang hawakan at hugis nito. Tila munting espada dahil dalawang bahagi nito ang matalim.



"You really love swords, Magdalene."

"What are you doing, Trev? Just go to your team and start training," pagtataboy ko sa kaniya. Hindi pa maayos ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. May araw din para magtanong sa bampirang ito.



"Calm down, baby. I will train you and your team," dito na ako napatingin sa kaniya.



"Trevor Mazrid. You have your own team to train. I can handle my team," pagtanggi ko sa itinuran niya ngunit sadyang matigas din ang ulo nito.

"Chill baby, look at that man in a gray shirt," itinuro nito ang lalaking nakaupo at umiinom ng tubig sa boteng hawak niya.


"What about that man?" I asked curiously.


Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now