13 | Angel of Pendant

10 17 2
                                    

Chapter 13.

"Ada?!" Missy ran towards me. Niyakap niya ako nang mahigpit. Geez? Ano'ng nangyari? "Akala namin ay napano kana. Ano ba'ng ginawa mo!?" dagdag nito sabay hampas sa braso ko.

Napansin siguro nito na nakakunot ang noo ko. Pinanlakihan niya ako ng mata na parang hindi siya makapaniwala sa reaksiyon ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at humakbang ng dalawang beses, still with her eyes that seems so shocked. What the heck is really happening?

I saw Yera in the kitchen preparing for something, si Sapphire naman ay nagtungo sa kwarto niya.

Bumalik ang tingin ko kay Missy na nasa ganoong posisyon parin. Babalewalain ko na sana siya nang bigla itong sumigaw.

Tinakpan ko ang mga tainga ko at naipikit ang mga mata sa ginawa niya. I heard a rushed footsteps coming towards us.

I opened my eyes and saw Missy pointing at me. What? Ano nanaman? Ang gulo talaga ng babaeng ito.

"Missy? Hey hey what happened?" Yera asked habang pinapatigil si Missy sa kasisigaw. She even tried to lower down Missy's hand pointing at me. Tulad ko ay naguguluhan din ito.

Missy gulped as she took again another step backward. "H-hindi siya si Ada!" she said. And that makes my eyebrows met even more.

Yera looked at me, halata sa mukha nito na may pinipigilan siyang maramdaman. "Missy ano kaba. Tigilan mo nga 'yan." she said then sat beside me, inakbayan niya rin ako.

"This is Ada. Hindi kapa ba nasanay? Ada can do whatever she wants kahit pa ang pagsuway sa mga class schedules. Si Ada na kayang magskip ng classes. Si Ada na kayang lampasan lamang ang guro while the class is going on..." napahinto ito bago tumingin sa akin.

"Si Ada na kayang lisanin ang Akademya kahit kailan niya gusto." she gulped. I can see how hard it was for her to continue what she's saying.

That's it. I guess I knew it.

"What's new? Nothing," mahaba nitong saad at tuluyan nang nagbago ang aura niya. Mula sa pagiging panatag hanggang sa pagiging malumbay.

Nanatili akong walang imik habang pinagmamasdan sila. From being jolly to being silent. Weird. I know something's missing off.

I gulped. "Spill it now, ladies." I told them. I just waited for their response. Napayuko si Missy habang nakasimangot. Si Yera naman ay tumayo na at nagpaalam na i-checheck ang niluluto niya.

So, I guess no one wants to tell me what is really happening. Humiga ako sa sofa dahil nakaramdam ako ng kaunting antok. I yawned and looked at Missy who's still standing.

"Hey, Missy. It's all fine. Iidlip lang ako ha. Kanina pa kasi ako nagbabasa ng libro, nakakaantok pala." I said and finally closed my eyes.

Narinig ko na umalis na ito. I sighed a deep breath and think. Inisip ko muli ang pag-uusap namin ni Ginoong Alfarus.

Pagkatapos nang nangyari kanina sa pagitan namin ni Trevor ay mas lalo pang nagulo ang isipan ko. Why do he need to tell those words?

Ano ba talaga'ng meron sa pendant?

That's why I decided to go back home immediately as possible.

"Why do you need to go home? Namimiss mo naba ang ika-apat na pinuno ng mga Bampira?" Mr. Alfarus asked referring to my dad.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng opisina nito at hindi na hinintay pa na i-offer niya sa akin ang upuan sa harap ng mesa niya. I sat down ignoring his question.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now