25 | Presence and Words

4 6 0
                                    

Chapter 25.

Kailanman ay hindi ko ninais mabahiran ng dugo ang aking mga kamay. Sa katauhang isa akong ganap na anghel, isang hindi ordinaryong anghel. Ang prinsesa ng aming Dunasteia.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa mundong aming ginagalawan, hindi mamamayagpag ang kapayapaan kung hindi mababahiran ng dugo, luha at karahasan ang kalupaan.

Ilang minuto rin ang namayani bago ako humakbang papalapit sa kaniya. Hindi ito gumalaw at nanatiling nakatutok lamang ang kaniyang mga mata sa akin.

"I think I need to go," ani ng kaibigan nito bago siya lumisan.

I stopped right in front of him, leaving a meter of distance.

Nanatiling magkatitigan ang aming mga mata. Napupuno ng katanungan ang mga ito ngunit hindi niya ma-isatinig.

"Trevor," nanghihinang banggit ko sa ngalan niya.

Kung kanina ay napakalakas ng loob ko, napakatapang na para bang walang kinatatakutan. Ngayon ay nanghina at biglang nawala lahat ng katapangan ko.

Hindi dahil sa lalaking nasa harapan ko, kun'di dahil para akong nagising sa isang mahaba, nakatatakot at walang katapusang bangungot.

Unti-unti kong ibinaba ang aking tingin at nangangatal na kamay ang aking nakita. Habang hawak ang espadang duguan. Ang espadang walang awang pinaslang ang lahat ng madadaanan.

Tuluyan na akong nanlumo nang maisip na nagawa kong pumaslang. Na nabahiran ng dugo ang aking mga kamay. Na hindi ko nakontrol ang aking sarili.

Nabitawan ko ang aking espada at bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahig ay mabilis akong nasalo ng mga matitipunong braso ni Trevor.

"I-I'm sorry." Huling nasambit ko bago ako lamunin ng kadiliman.




"Kael mahal ko, naghanda ako ng makakain," matamis na ngiti ang bumungad sa akin pagkamulat ng aking mga mata.

Naglandas ang aking paningin sa loob ng isang tahanan na kulay puti ang naghaharing kulay.

"Ano'ng klaseng putahe ang iyong inihain, mahal ko?" Malambing na boses ng lalaki ang sunod kong narinig.

Tumawa ang babaeng kausap nito at sinalubong ng yakap ang lalaking papasok sa kusina.

"Mga paborito mong putahe, mahal ko," matamis na sagot ng babae.

Hinalikan ng lalaki ang babae at iniiwas ko agad ang aking mga mata sa kanila sapagkat hindi lang ata halikan ang kanilang gagawin.

"Ikaw ang pinakapaborito kong putahe, mahal ko," kahit na pabulong itong sinabi ng lalaki ay narinig ko parin.

Bakit ba ako nandito? Bakit ko ba nasasaksihan ang lahat ng ito? Bakit kailangang ipakita sa akin ang nakaraan ng aking kapatid at ng lalaking iyon?

Lumabas ako ng kusina at sa aking paglabas ay sila nanaman ang aking nakita. Kasalukuyang nagbabasa ng libro si Kael habang si Aquira naman ay tahimik na sinusuklay ang buhok ng kaniyang asawa na nakahiga sa kaniyang kandungan.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now