24 | Aquira

6 5 2
                                    

Chapter 24.

Aquira.

Ganito pala ang buhay na malaya. Hindi nakakulong sa loob ng napakalaking Mansiyon. Nagagawa ang mga bagay ng walang pag-aalinlangan.

I can't believe that I'm already married.

Itinaas ko ang aking kamay at tinitigan ang daliring nakasuot ng singsing. I smiled at the view.

I am really married.

“Aquira,” bumukas ang pinto kasabay nang pagpasok ng asawa ko sa kwarto.

Asawa ko. It sounds new. Masasanay din ako.

"Kael," ngumiti ako sa kanya.

He smiled back and opened his arms for me to hug him.

Agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya at hinalikan nya ako sa noo.

Napapikit na lamang ako sa kakaibang pakiramdam. It's safetiness. With him, I'm secured.

I know I am.

Iginiya niya ako sa beranda ng aming silid. Mula dito ay natatanaw namin ang napakagandang hardin. Luntian ang bawat dahon at kasigla-siglang pagmasdan ang bawat bulaklak.

"How are you?" Tanong nito habang nakatitig sa malayo.

Napakapayapa ng kaniyang mukha. Isa siyang tunay at purong anghel.

"Salamat dahil dumating ka," ang agad na naisagot ko sa katanungan niya.

Pinakatitigan niya ako. "Salamat dahil pumayag ka."

Natawa ako ng kaunti sa itinuran niya.

"Hindi ako makapaniwala, na kasal na ako Kael," mariin ko siyang tinitigan. Labis na saya ang aking nararamdaman. "Sobrang saya ko, dahil ikaw... Ikaw ang napangasawa ko."

He kissed my forehead and hugged me tight. "From now on, I will protect you from everyone. Remember that."

Tumango ako kahit pa batid kong malabong maprotektahan niya ako.

Malabo. Simula ng may nalaman ako.

"Hindi parin ako makapaniwala na agad pumayag ang anak ni Severino," napahinto ako sa paghakbang patungo sa silid-aklatan ng aming bagong tahanan.

Ang tahanan namin ni Kael.

"Kael Lourde. Iho. Kay tagal na natin itong pinakahinihintay. Ngayon na kasama mo na ang susi sa kalayaan natin. Batid ko na hindi mo bibiguin ang angkan mo." Rinig kong saad ng kung sino mang kasama ni Kael sa loob.

Hindi ko narinig na sumagot si Kael.

"Batid mo ang tunay na misyon mo kung bakit mo siya pinakasalan. Nagsusumamo ako sa'yo. Ito nalang ang tanging paraan." Muling pagmamakaawa ng matandang lalaking kausap ni Kael.

Muli... Wala akong narinig mula kay Kael. Sa taong pinili ng puso kong mahalin.

"Umiiyak ka, masama ba ang pakiramdam mo?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Agad kong pinahid ang mga luha at ngumiti sa kaniya.

Hindi ito ang oras para magpadaloy ako sa kalungkutan.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now